Chapter 6: Peklat

183 35 1
                                    

How do I explain it? Mapakla, mapait, maalat-alat, masangsang. Lasang inasinang suka ng lasing.

Even though sa tingin ni Natalia ay hindi ako ganoon kaarte, kulang nalang ay sakalin ko ang sarili ko para hindi masuka.

Nahiya naman ako sa kaniya. Siya itong mas balot ng masangsang na dugo ng goblin pero parang wala lang sa kaniya.

Lagi akong dismayado sa kung gaano kapalpak gumawa ng artificial senses ang ibang VR games ngunit ngayong alam ko na ang pakiramdam, napaisip ako kung gaano ko ka-miss ang mga nakasanayan kong laro.

Binitawan ko ang kutsilyo ko sabay punas ng mga natirang dugo gamit ang kapa.

"Your highness, may sugat ba ang kaliwang braso mo?" Tanong ni Natalia. Pagkasilip ko sa kaniya, nakatitig siya sa braso kong pilit kong itinatago sa likod.

"Don't ask unnecessary things."

Tinalikuran ko siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaloob-looban ng goblin cave. Nasa pinakaloob ang goblin treasures.

Soon, I'll be claiming the quest reward. Natapos ko na sana yon kanina pa kung hindi lang dahil sa killing spree ng NPC sa likod ko.

"Lady Natalia Pale, okay lang ba na Aya ang tawag ko sayo? Ang haba ng pangalan mo eh." She jerked and pouted.

"Kung iyon ang gusto ng prinsipe," walang sense niyang sagot. It pissed me off. Nahawa siguro ako ng sumpong noong uugod-ugod na heneral.

"Pwede namang humindi kung ayaw mo."

Pagkarating namin sa isang malamig at mabahong chamber, nakarinig ako ng mga hikbi. I have a hunch that there were humans here pero hindi ko akalain na buhay pa sila para umiyak.

"Nevermind. Tatawagin parin naman kitang Aya parang katulad ng nickname ko kay tanda."

"Ako si prinsipe Halleck ng Aschewartz. Malaya na kayong lahat mula sa mga goblin ngunit bilang kabayaran sa pagkakaligtas sa inyo, magsisilbi kayo sa kaharian ko," sandaling tumigil ang mga hikbi ngunit hindi na ako nagtagal para inspeksyunin pa sila.

Iniwan ko na kay Natalia ang trabaho ng pagdadala sa kanila palabas. "Sabihin mo sa heneral na magpapasok ng ibang sundalong tutulong sa'kin at mauna na siya sa Quaintrelle."

I dived deeper into the cave. While at it, nagawa ko ding matapos ang quest at makita ang rewards.

It is tons of golds- not tokens though.

May nakita din akong ilang mga sako at bagong katay na wild pig.

"Ah wait, it's not a pig."

[Orc Meat(Lvl.1)]

"Gross."

Papalubog na ang araw nang makalabas ako ng kweba at kakahuyan. Bloodmist woods. Mga salitang kitang lumulutang sa ere.

I feel fulfilled habang nakasakay sa kabayo pabalik ng Quaintrelle. Higit pa sa isa ang na-accomplish ko sa loob lang ng maikling panahon. Tatlong "r", resources, reward from quest, and respect from soldiers.

Bukod pa doon ang pag-level-up sa level 2 ng Ruler's eye at mga nakalap kong impormasyon tungkol sa karatig lugar at mga titled NPC ko.

Sa palagay ko nakatulong ang pagpatay sa mga goblins kaya naglevel-up ang nagiisa kong skill. The quest also levelled me up. Dahil doon nasama sa mga surface information na nade-detect ko ang pagsisinungaling ng mga titled residents ng Aschewartz.

Ramdam kong nagsisimula na ang totoong laro ko.

"Nagbalik na ang kamahalan!" Rinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon