Chapter 25: Past

75 15 2
                                    

Skylar's POV

Noong bata ako, madalas akong lumabas ng bahay para magliwaliw sa mga tanawin ng syudad. Tumatambay ako sa mga parke para matulog. Pumupuslit sa mga covored court sa tuwing may nagpupustahan. Nakasakay nga din ako ng subway noong 7 palang ako.

Noong una, wala akong pakialam hanggang sa namulat ako sa depinisyon ng pamilya.

Halos buong pagkabata ko, mga katulong ang nag-aalaga sa akin. Mas madalas pa akong dalawin ng lolo ko kaysa sa mga totoo kong magulang.

Natutunan ko lang ang mga iyon nang maipasok ako sa pribadong eskwelahan.

Naalala ko pa kung paano sinabi ng teacher na magiging proud ang mga magulang namin kung masipag kaming magaral.

Obvious bang nauto ako?

Since kinder, I've been the number 1 in my year level. Occasionally, pumupunta si lolo para sa recognition day ko pero sa nakalipas na apat na taon. Dalawang beses ko palang na nakita sina mama at papa.

Sa parehong mga okasyon, nagmamadali sila at hindi manlang ako magawang pansinin.

Kaya noong muli akong nagkaroon ng pagkakataon noong new year celebration sa bahay, ako na mismo ang lumapit. I hug them telling them I miss them.

Instead of reciprocating the warmth I badly wanted to have, they pushed me aside and said, "Honey, we're busy."

Tang ina nila.

Pakiramdam ko isa akong sakit.

Halata ngang busy sila. Halos hindi ko na nga sila makilala sa sobrang busy eh. Pero bakit hindi ko magawang magsawa at hayaan nalang sila sa buhay nila?

Lumipas ang panahon at tumungtong ako sa 6th grade. I experienced bullying firsthand.

Habang naglalakad sa corridors, may nangtisod sa akin. Lampa ako noong panahon na iyon kaya mabilis akong natumba. Tumawa sila habang ako, nakayuko lang na dinama ang kirot ng tuhod ko.

Sa sumunod na araw, may bitbit na akong mga paperworks mula sa opisina ng principal. Pinupuri ako ng lahat ng teachers noong araw na iyon dahil kakapanalo ko lang sa division level competition.

Sa unang pagkakataon, naramdaman ko yung recognition na gusto kong makuha.

Then it happened again, tinisod ako ng kung sino at sumabog sa ere ang mga dala kong papeles.

Galit ako. Nanggigigil. Napakuyom pa ako ng kamay bago mapatayo at harapin ang tatlong lalaking tumatawa.

Nakangiti sila gamit ang mga perpekto nilang ngipin na kahit anong oras handa kong basagin. Nakapatong sa school uniform nila ang mga mamahaling brand ng jacket, sweater at ibang accessories.

Mga anak mayaman sila alam ko. Lahat naman ng nasa school na 'to anak mayaman. Anak mayaman din ako, bakit ako matatakot? Tingin ko nga mas mayaman pa mga magulang ko sa mga barumbadong 'yon.

Hindi ako nag-isip, basta ko nalang sinuntok sa mukha ang nasa gitna. Sa saglit na panahon nakaramdam ako ng relief, pride, at excitement.

Ngunit bumawi ang mga kasamahan niya.

Sinuntok ako ng isa sa panga na dahilan ng pagkawala ko sa balanse. Sumunod din naman ang isa pa hanggang sa matumba nalang ako pagkatapos mapagewang sa sakit ng suntok nila.

Hindi ko napansin may suot din pala silang mga singsing.

Kalaunan, naiwan nalang akong nakahandusay sa sahig habang puno ng galos at pasa. Umuwi akong masama ang timpla noong araw na iyon.

Kinabukasan, pinatawag ako sa principal's office. Apparently, nakita ng lahat ang suntukan sa tulong ng CCTV. Masaya ako dahil alam kong may kakampi sa akin. Pero wala pala.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon