Basa. Giniginaw. Hingal.
Kita ang kanilang maiinit na hininga sa lamig na dulot ng walang humpay na bagyo. Malakas ang hangin. Hirap ang mga kabayong makatayo nang diretso.
Nang hindi na kinaya ng mga ito, napilitan silang maglakad bitbit ang mahahabang mosin-nagant.
Wala na silang maaninag bukod sa maputik na damuhang kanilang natatapakan. Samantalang ang mga lumiliwanag na pangalan sa ulo ng mga sundalo ang nagiisang gabay ni Skylar.
Hindi nagtagal, narinig nila ang alulong ng isang dambuhalang nilalang. Senyales na malapit na sila sa kanilang pakay.
Bawat isa, napahanda sa hawak na mga baril.
SWOOSH!
Dumagit ang malaking anino sa kanilang uluhan.
"Ihanda ang mga bayoneta. Protektahan ang hari," utos ng platoon commander na prayoridad ang kaniyang kaligtasan.
Ngunit nanlilisik lamang niyang pinagmasdan ang kalangitan. Para bang walang pakialam sa banta sa sariling buhay.
Nagsiluhod ang mga sundalo at napatutok ng mga baril sa kawalan. Tahimik niya namang pinuri ang ensayong humubog sa mga ito.
"Flying creature at 3 o'clock 45 degrees! Aim!"
Narinig ang sabay-sabay na mga kasa. Winisik ng biglaang pagtutok ang patak ng ulan. Skylar felt his heartbeat skipped for a moment as he gaze upon the approaching dragon.
"FIRE!"
Ang dapat na dagit ay naging bulusok. Pagkabagsak nito sa gawing likuran, muling nagkasa ang mga sundalo at napatutok naman sa kaliwa.
"FIRE!"
Nagliwanag ang mga mata niya nang makita ang mga numero dulot ng bugso ng mga bala.
[-3600 critical hit!]
Sandali pang pumagaspas ang ikalawang dragon ngunit bumagsak din kalaunan nang namimilipit.
"SA TAAS!"
Dinama niya ang patak ng ulang dumadaloy sa kaniyang pisngi. Dilat niyang tiningala ang madilim na kalangitang pinapaliwanag nalang ng kaunting mga kidlat.
Doon, kita niya ang nakaambang pagbuga ng isang dragon. Diretso ang pagbaba sa kaniyang direksyon.
Napapikit siya dahil sa ulan.
"FIRE!"
.
.
.
"This world is way too realistic."
Sa virtual games tumatakas ang mga taong gustong maranasan ang buhay noong wala pa ang malalakas na sakuna at nakakalasong hangin.
Sa tulong ng Superstorm event, naipapaalala kay Skylar ang totoong mundong gusto niyang takasan.
"Thank you Lucas Evangelista. Sana di niyo nalang nilagay ni ate itong event," puna ni Skylar nang nanginginig ang mga kamay dahil sa lamig.
Matagumpay nilang narating ang Bloodmist Woods na pumapalibot sa Pinkmustard. Tumambad sa kanila ang sariwang bangkay ng mga draconian na nasa human form.
Mula sa mga tama ng bala't hiwa ng mga rapier, alam niyang nasa malapit lamang si Natalia.
Mapungay nilang tinatahak ang mahamog at basang kakahuyang kinamulatan ng kaniyang kaharian.
He survived starvation and harsh game rules. Naprotektahan niya din ang Quaintrelle mula sa ibang players. Napalawak niya ang Aschewartz.
Nakamit niya na halos lahat ng kinailangan niya ngunit hindi manlang niya nagawa ang gusto. Ang minimithing modern world sa loob ng fantasy game.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...