Chapter 9: Grandmaster

148 30 1
                                    

All of a sudden a burst of fresh air assaulted my lungs. Naramdaman ko ang biglaan at mabilis na tibok ng puso ko. Naginit ang pakiramdam ko. Nagkaroon ng liwanag ang paligid ko.

Nang marahan akong dumilat, saka ko natanaw ang isang pamilyar na lugar. Ang plaza ng nagiisang safe zone sa Central Continent - the central plaza of the Leatial Saintdom.

Anong ginagawa ko dito?

Puno ng mga players ang buong plaza at mga kalsada. Ni hindi na maabot ng natatanaw ko ang dulo.

Nang tingnan ko ang kinatatayuan ko, napagtanto kong nasa rooftop ako ng isang blocked shape building na gawa sa makinis na bato.

"Welcome dear players of Reignland."

Pagkarinig kong muli sa boses na nagmula sa kawalan, napatingala ako sa langit. Mula doon, tanaw ko ang isang nagliliwanag na imahe.

Makikita mula sa likod niya ang walong pakpak, bawat isa ay may iba't-ibang laki at dami ng balahibo. The lowest pair have one long feather while the others have ever increasing numbers.

Suot niya ay isang mala-kristal na baluti. It is flaming blue in color paired by golden orange outlines and curvy designs.

Nagliliwanag ang balat niya nang parang isa siyang Diyos. Siguro nga ay isa siyang Diyos. Noong pagmasdan ko ang halo na nasa itaas ng ulo niya, ang tanging nakita ko ay isang title.

Gamemaster.

"I..." Simula niya. Kasunod noon ay tunog mula sa mga trumpeta. Nakita ko pa ang mga nagliliwanag na balahibong nahuhulog sa dagat ng mga player.

"I am Lucas Evangelista."

Pagkarinig noon ay kaagad na umalingawngaw sa paligid ang palakpakan at tilian. Halos hindi ko na maintindihan ang mga sunod-sunod na papuri ng mga kasiksikan ko.

It is launch date afterall. Dapat nilang ipagbunyi ang developer ng laro.

However, my gut feeling informs me that something is wrong. Dahil doon, kahalintulad ng reaction sa mukha ng gamemaster, mataman akong nakatitig.

"I am sorry for the five million of you and I would like to inform you, that You are all trapped inside the game."

Napatawa ako pagkarinig ng sinabi niya. Ako lang ang nakarinig noon dahil maingay parin ang paligid. Masayang naguusap ang mga tao.

"I ask everyone. Please refrain from killing each other. Tens of thousands of people already died," aniya. Narinig ko pa ang pagkasamid niya sa sariling laway.

Mula sa gloomy demeanor niya, kalaunan ay napansin ko na din ang paghupa ng ingay.

"They died after being forced log out." Dagdag ng gamemaster.

"And another player died too when her hitpoints hit zero."

Nagpatuloy ako sa pagtawa sa mga sinasabi niya. Hindi tulad kanina, naririnig na ako ng iba.

Pagkatapos noon ay may kinalikot siyang kung ano mula sa ere hanggang sa lumitaw at napuno ang langit ng iba't-ibang international news channels na nagrereport ng live.

Napatahimik ako sabay lunok nang tuyo.

"10,604 players na ang namatay sa loob lang ng isang oras matapos ang launching ng laro. Bagamat wala pang opisyal na statement ang LaxCorp, nasabi ng isa sa mga developer na ginagawa na nila ang lahat para mapaalis ang hacker mula sa network ng nasabing laro..." Rinig ko ang boses ng pamilyar na news anchor sa TV. It is a channel specifically in my country.

Tiningala ko ang screen ng balitang iyon. Nagsisi lang ako nang makita ang video ng recent kill ko kani-kanina lang.

"Are these deepfaked?" Ang tanging nasabi ko. Hindi parin makapaniwala.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon