Chapter 5: Preso

226 42 0
                                    

Madilim, malamig, mahamog, masukal. Napalanghap ako sa mamasamasang hangin ng isinumpang kakahuyan.

Isinumpa hindi dahil sa sa itsura ng paligid -o mga kulay dilim na puno - kundi dahil sa demonyong kasalukuyang nandito.

"Sensya na, napalakas ata boses ko," kaswal niyang nasabi sa akin. Napalakas? Sumigaw ka! Gusto niya bang masakal? Handa akong makapatay ngayon. Hindi ko maintindihan, ito ba ang ibig sabihin ni papa sa parusa?

-
Natalia's POV
-

Napaihip ako sa hibla ng buhok na tumakas sa gawing pisngi ko. Nagulo na ang tali ko.

"Nat, wait lang- ibig kong sabihin... Lady Natalia Pale, sandali lang, maiwan ko muna kayo," pagpipilit niyang maging pormal.

Tinitigan ko lang siya ng tuwid. Huwag kang ngingiti, mamaya ka na mag-celebrate, makakatakas ka din sa demonyong to. Wag kang ngingiti Natalia. Wag kang ngingiti.

"Okay." Simple kong tugon.

Tumango siya.

Tumakbo palayo, papunta sa prinsipe.

At sa wakas, nakahinga akong maluwag pagkawala ng nagiisang panganib sa paligid.

Nicollo Russo, ikaw na demonyo ka. Paano nalang kung malaman ni papa na malapit ang loob ko sa isang lalaki? Anong sasabihin ng ibang tao? Kahit na sabihin nating magkaibigan lang tayo, ipapakasal na agad nila tayo.

Kapag nangyari yun, hindi ko na matutupad ang mga gusto ko. Sigurado akong ayaw mo din naman yon dahil hindi ka na makakapambabae.

Napapikit ako dahil sa pangigigil. Sa muli kong pagkadilat, napunta na sa prinsipe ang mga tingin ko.

Habang iniisip kung anong dahilan niya sa pagsasama sa akin, napatulala na pala ako sa matikas niyang tindig. Unti-unti akong nalunod sa mga ginintuan niyang mata. Napapasabay din ako sa mga simangot at kunot-noo, noo niya.

Ang sabi ni papa parusa pero mas mukha pang biyaya ang sitwasyon ko ngayon.

Nakagala ako. Nakasakay ako sa kabayo. Makikita ko ang mga sundalo nang hindi tumatakas. Higit sa lahat, tanaw ko ang prinsipe.

Noong natapos siya sa pagkikipagusap, dahan-dahan niya akong nilingon nang nakasimangot parin.

Mataman akong tinitigan.

Pinapakinang ng dilim niyang buhok ang ginintuan niyang mga mata at maputing kutis. Idagdag pang may sumiwang na sinag ng araw mula sa mga sanga.

Wag kang ngingiti. Wag kang ngingiti. Simangot lang. Tiisin mo ang pangigigil sa nakikita mong likha ng langit.

Sa puntong iyon nasa kabilang buhay na ang kaluluwa ko. Oo, mukha man akong walang pakialam kung pagmasdan ng iba pero sa totoo lang, karamihan ng napapagmasdan nila tungkol sa'kin, kabaliktaran.

Natapos lang ang pantasya ko nang may palasong lumampas sa gawing kaliwa ko.

Napatulala ako at napatigil sa bilis noong mapunta sa direksyon niya. Malayang nakapinta ang inis at kunot-noo sa kaniya.

"Prinsipe Halleck!" Naisigaw ko din kalaunan habang pilit pa siyang inaabot.

Nang sundan iyon ng malakas na "BANG!" napatalon ako pababa ng kabayo para sa aksyon.

"Ambush!" Sigaw ni Nico.

Pagkalingon ko, napakindat siya sa akin habang hawak ang isang revolver. Ilang hakbang sa gawing kanan niya ay ang prinsipe na bumunot na ng espada.

He shot an arrow! Gaano kabilis siyang umasinta?! Gusto ko siyang masuntok dahil parang wala lang sa kaniya. Hindi ko ginawa syempre. Mas inintindi ko lang ang bistida kong sumabit sa saddle ng kabayo.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon