[Attention player Halleck, your capital, Quaintrelle, has been captured.]
[Attention player Halleck, your Paladin Brigade has been annihilated]
[Due to the lost of your capital, Aschewartz' loyalty and satisfaction is decreased]
Napadama ako sa maskarang suot ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng matraidor. Hindi na importante kung sa paanong paraan, dapat ay mas inintindi ko ang kailan. Kailan ako tatraidurin.
Sa kasamaang palad, ngayon pa kung kailan lumusong na ako sa giyerang plinano nila.
"Your majesty. May bagong bugso ng mga vampire ang paparating, hindi ko sigurado kung kakayanin pa ng mga Clamour."
Aniya ni heneral Shostakovich.
Ito na ba ang dulo ng kasaysayan ng Aschewartz? Hindi ko akalaing sa paglipas ng panahon, masyado akong maa-attach sa binuo kong kaharian.
Sinong magaakalang silang mga NPC na masyadong dumedepende sa akin at kinaiinisan ko pa madalas ang mananatili sa tabi ko umaraw man o umulan.
Napaigting ang panga ko sa mga napagtanto ko. Hindi ko hahayaang ito ang maging wakas.
They'll see the Aschewartzian grit.
"Utusan ang lahat..." Simula ko gamit ang malamig na tono, "babawiin natin ang kapitolyo. Retreat."
Tila nasa isang slow-motion ang lahat habang napapaisip ako sa mga posibilidad. Hindi tumigil ang mga narinig kong pagsabog habang pilit na binibigyang oras ng mga Clamour ang pag-retreat ng ibang mga brigada at dibisyon.
"Star Screen!" Rinig ko pang sigaw ng mga mage sa pagbabakasakaling mapabagal ang mga bampira ng Fantang.
Swoosh! Rinig ko ang paglampas ng mga eroplano sa kalangitan. Ilang sandali pa ay mga makinarya naman mula sa mga tangke.
Nang naglaon, iniutos ng katabi kong heneral ang bombardment ng buong teatro ng giyera sa tulong ng mga kanyon ng battleships.
"Paliyabin ang mga pulbura. Ihanda ang mga bala. Ikasa ang mga riple. Pagningningin ang mga wand. Kalansingin ang mga espada. Magmamartsa tayo pabalik ng Quaintrelle.
Sakay ng mga tangke! Ng mga eroplano! Ng mga bakal na barko! Ng mga sasakyang di pa nakita ng mundong ito! Samahan niyo ako sa krusadang ito!
Aking mga sundalo! Mga magigiting na kawal ng Aschewartz! Magdiwang kayo pagka't babawiin natin ang sinilangan ng amang bayan na ito!
Pasilangan, mga mamamayan ng Aschewartz, samahan niyo akong bawiin ang Quaintrelle!"
Rinig ko ang dagundong ng higit sa tatlong-pung libong mga sundalo.
Ang dating 98 ay lumago na sa ganito kalaki. Ano nalang ang meron sa hinaharap? Hindi ko hahayaang matapos ang lahat sa ganito, at sisiguraduhin ko iyon.
Hindi lang bilang Emperor Skylar Halleck kundi maging bilang Skylar Nuevo.
"Padalhan mo ng telegraph ang Harlequins. Sabihan silang pauwi na ang Hari."
"Masusunod your majesty..."
~~• Glitch Conqueror •~~
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Научная фантастика"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...