Chapter 49: Safety

80 3 0
                                    

"I now promote you as General and assign you as the commanding officer of the Harlequin Intelligence Department. You will serve under my direct rule and provide intelligence reports for the Military's Grand Commanding Officer..."

"Pledge your allegiance to the king of Aschewartz."

"I, General Nicollo Russo, pledges my allegiance to his majesty Skylar, king of Aschewartz. Long live the gracious king!"

.

.

.

Ilang araw na ang nakakaraan, naganap ang isang malawakang restart. Kulang sa detalye ngunit dumilat ang players sa isang pamilyar pero ibang kapaligiran. Nagising ang lahat ng players, buhay man o patay, sa back-up server ng rebolusyonaryong Dreamscape, ang Beta Test Server.

Binuksan nila ang kani-kanilang virtual screens pero nawawala ang world chat at ibang messaging systems ng laro.

Walang may alam sa mga nangyayari bukod sa dalawang grupo ng nagtatagisang mga organisasyon. Mga organisasyong dahilan sa pagkakaipit ng milyon-milyong players.

Ang LaxCorp at Greentech...

[Oasis: Southern Continent's Safezone]

Tuloy-tuloy ang dagsa ng mga tao sa malawak na mga kalsada ng Oasis, ang safezone ng Southern Continent at ang kasalukuyang headquarters ng LaxCorp agents na nasa loob ng laro.

"LaxCorp, the greatest game corporation and frontier of the latest technologies, succumbed, and was utterly defeated by a farmer holding a screwdriver," wika ng isang matangkad at maskuladong LaxCorp agent habang nagbabasa ng vampire class's skillbook. Siya si Grizzley.

"Grizzley, alam mong hindi basta-bastang magsasaka lang si Dr. Nuevo, bioengineer siya na may-ari ng Greentech. Isa pa, naisahan natin sila na ma-transfer yung players sa beta server, bakit ba masyado kang negative. Hindi na hacked yung systems natin thanks to Lucas and Alisa," sabi naman ni Impala, isang babaeng LaxCorp agent na kasalukuyang kinakabisado ang spells ng vampire class.

Pareho silang Vampire class dahil sa rekomendasyon ng Gamemaster na si Lucas.

"Di ako negative, tanungin mo yung isa diyan na anak lang naman ng kalaban natin. Pst! Alisa! Tingin mo bakit kaya nawala yung messaging system?"

Tumiklop naman ang pakpak ng anghel na nasa kabilang dako ng kinaroroonan nilang library. Namumuti ang balat niyang nagliliwanag dahil sa visual effects. "Wala talagang messaging system sa beta server," tugon ni Alisa.

"Ay ganun. Kala ko sinabotahe mo na kami."

Di nagtagal, dumating sina Lucas at ang tatlong iba pang agents.

"Russian si Grizzley diba? Want me to turn off his translators?" bulong ng anyong anghel na si Lucas pagkadiretso sa kaniya.

Narinig naman to ng isa sa agents, si codename Izrail na top player ng laro at undercover ng Pentagon—military headquarters ng United States military.

"Mr. Evangelista, each of these agents should be considered the representative of their respective countries. Kung aalisan mo ng translator si Grizzley parang sinabi mo na ding kinakalaban ng LaxCorp ang Russia," komento ni Izrail.

"LaxCorp agents kami hindi dahil sa LaxCorp at CEO ng kumpanya. LaxCorp agents kami dahil sa utos ng kani-kaniyang gobyerno namin na gustong hulihin si Nuevo," dugtong naman ng isang singkit na agent. Si Viper.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon