Chapter 4: Kakahuyan

296 36 0
                                    

Habang nakaliyad sa isang bintana, tinatanaw ko ang kakahuyan sa hindi kalayuan. Napamasid ako sa kulay abong mga letrang lumulutang doon.

[Unknown low-grade dark woods]

"So what am I supposed to do now?" Kausap ko sa lumulutang na imahe sa gawing kaliwa ng paningin ko.

"You've really done it bro. HAHAHA! May dahilan kung bakit walang gumagamit ng Victorian class. Bakit ba yan ang pinili mo?"

"Malay ko ba. Sabi mo puro titled resident to. Isa pa, kung papipiliin ka, baril o espada? Nagpapaka-praktikal lang ako. Hindi ko naman alam na sensitive mga Victorian residents. Halos ma-eliminate na ako sa unang mga oras ko sa laro."

Napasalumbaba ako sabay ngiwing napabaling sa kaniya. "Lalaitin mo nalang ba yung class ko o handa ka nang sagutin yung tanong ko? Pang apat na beses na ahh."

Fortunately sinagot niya din matapos ang nakakarindi niyang humahagulgol na halakhak.

"Ewan ko. Wala akong alam diyan. Mabilis din kasing naubos mga Victorian classes sa beta testing," sagot niya na nagpalaho ng pag-asa ko.

"Nasayang lang tong laro ko," nasabi ko nalang.

"Cheer up. May dahilan din kung bakit hindi inalis iyang class na yan."

"Wala akong magic. Wala akong skill. Mabilis akong itakwil ng mga NPC. Magastos sa resources ang mga magagawa kong settlement. Naubos din ang Rp points ko sa kakakausap sa iba't-ibang Kelexto na na-search ko. Ano pa?"

Pineke niya ang isang ubo. "Sorry about the last part. Ipinaliwanag ko namang may gumamit ng username-"

"Shh! Hindi ko kailangan ng explanation. Hindi ako makakapunta sa safezone period." Putol ko sa kaniya.

"Come on Hal. Tingin mo ba ginusto ko tong bagong IGN ko?" Napapigil ako ng tawa sa sinabi niya.

"Okay your highness Mlex. Tunog highway ka. Sinong politiko nagpagawa sayo?" Asar ko.

"Pasalamat ka hindi kita mababatukan." Inis niyang tugon na nagpalaya sa tawa ko.

"Babatukan mo ko?" Pagbabanta ko. Kaagad din namang umamo ang mukha niya at peke pang ngumiti abot tenga.

"Hindi po boss."

Nang matapos ang mga tawanan, nasa kondisyon na ako para muling maglaro.

"Alex, paninigurado lang. Copper(c), Silver(s), Gold(g), Diadem(d). Tama ba arrangement?" Napatango siya sabay thumbs up.

"Wala ding inventory system yung mga ruler class?"

"Siyang tunay."

"Ang tatlong araw sa laro ay isang oras sa totoong mundo?"

"Siyang tuuuuunay."

Napangiti ako sabay himas sa espadang nakasukbit sa bewang ko. "Salamat. Kita nalang tayo sa Leatial kung may ticket na ako." Ilang sandali pagkatapos non, nawala ang pagmumukha niya. Kinuha ko din ang isang listahang sinulat ko sa kabuuan ng paguusap namin.

Alam ko na'ng gagawin ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sabay lapit sa pintuan kung saan nagbabantay ang isang sundalo.

"Ipadala mo to kay Count Pale. Ipaalam mong gusto kong nakahanda na ang lahat bago magtanghali." Walang pagdadalawang isip, sumaludo siya sabay sabing, "Masusunod kamahalan."

.
.
.

[A requirement for horseback riding mastery series is met. Horseback riding (1/4).]

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon