The intrusion of the cold water burns her nasal cavity. The noise of pirates talking about when they will be able to drink fresh water instead of beer also clouds her hearing.
"Sigurado kayong player yan?" Mabulang dinig niya din sa boses ng isang pirata habang lublob ang ulo niya sa timba.
[Roleplaying Tickets: -113]
"Gusto daw makita si boss! Malamang player nga."
Nang iahon siya upang mainspeksyon, napasinghap siya ng hangin para maghanda sa muling paglublob.
"Dilaw yung mata, sigurado ka ba? Tawagin ko kaya si Kapitan?
Sa muling paglubog ng ulo niya sa bariles na puno ng tubig-dagat, bumalik ang hapdi ng paningin niya. Napalulon pa siya ng ilang bula ng tubig.
"Bahala ka."
Sa muling paghatak sa mahaba niyang buhok, nakapikit na siya at nakatiim ang mga labi. Saktong nagsawa ang gusgusing pirata at sinabunutan siya palapit sa lubid na nakalambitin sa kisame ng loob ng barko.
Naging abala pa ito sa paggapos sa mga kamay niya bago siya tuluyang maitali, masabit, at maiwanan.
Habang gumegewang sa pagkakatayo dama niya kung gaano kabigat ang suot niyang uniporme--- parehong dahil sa pagkabasa at dahil sa sariling kapaguran.
[WARNING! Fatigue status at dangerous level.]
Tagaktak ang tubig sa tablang sahig habang pinipilit niya ang sariling makatayo sa gumegewang na barko.
Nakayuko siya at kagat-labing nagtitimpi. Naghihintay. Subukan niya mang magpumiglas, wala na siyang sapat na lakas.
Sa kabila ng pagkirot ng mga galos at pananakit ng katawan, nasilip niya ang pagpuno ng virtual screens sa harapan niya.
[Entering forced sleep mode.]
Labing-walong araw na din ang lumipas. Anim na oras sa totoong mundo. Hindi siya makapaniwalang umabot siya sa ganitong punto nang ganoon kaikling panahon.
Labing-walong araw sa impyerno. Kamusta kaya ang katawan niya? Nginangatngat na ba ng daga?
Hindi siya pwedeng magpabaya.
Nagkagulo ang buong laro sa nangyaring announcement noong ikatlong araw. Salamat sa gamemaster.
May hacker din na malayang nakokontrol ang laro sa anumang anggulo. Kung iisipin, baka ang hacker din na iyon ang may pakana ng Halloween event.
Sa unang linggo, naging abala siya sa paghahanap ng mga resources na matagumpay naman niyang nakuha sa Vulcani Isles. Sa loob lang ng maikling panahon, lumago ang production power ng Aschewartz sa firearms.
Halos dalawang linggo ang nakalipas, natapos ang una at opisyal na digmaang naideklara niya laban sa isang player. Napatay niya si Ardent at nagawa niyang makontrol ang malawak na teritoryo at mailigtas ang ilan sa mga menor de edad na ruler classes.
Dahil sa pagkawasak na naidulot ng nangyaring digmaan sa Dagger peninsula, ginawa niya ang lahat upang maikulong ito malayo sa ibang mga players na nagdeklara ng laban sa isa't-isa.
Mga players na bumuo ng guild at nagkaroon ng sari-sariling ambisyon na makontrol ang iba. Hindi man niya nakita ang aktwal na pangyayari, sapat na ang world chats para sa imahinasyon niya.
Sa isang detalyadong chat na nabasa niya, nalaman niya kung paano naging normal ang pagkaladkad sa mga duguan at nakakadenang mga players ng oposisyon.
Maliit man o malaking guild, walang ligtas. Kada-araw, may stampede ng mga player ang nakikipagbuno sa safezones. Bawat isa'y naglalaban-laban para makontrol ito.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...