Chapter 47: Restart

55 4 2
                                    

Sumabog ang liwanag sa paligid. "Nasaan ako," tanong niya.

Umihip ang 'di maaninag na ginaw. Bumalikwas siya.

"Skylar, iligtas mo ang lahat," rinig niyang boses ng isang babae.

Nakakunot siya kahit na hindi ramdam ang sariling noo. Nagpalamon siya sa liwanag na unti-unting nagdilim. Hindi nagtagal, namanhid siya at nawalan ng malay sa gitna ng kawalan.

.

.

.

[Welcome outlander, I daresay. What is your name?...]

"Pangalan?" Kada letra, paunti-unting nabuo ang naisip niyang pangalan.

"Skylar."

[Skylar it is. I greet you.]

[Do you want to change your hair/eye color?]

"No."

[Confirmed. Please choose your class: Divinity, Medieval, Lordship, Victorian.]

Kusang lumabas ang katagang "Victorian."

[Confirmed. What will be your capital's name?]

Nagpatuloy ang otomatikong pag fill-up sa mga tanong.

"Quaintrelle."

[.....your nation....?]

"Aschewartz."

[.....your continent.]

"Central."

[Commencing beta... Restarting Databases... Pairing spawns... I greet you King Skylar of Aschewartz.]

.

.

.

Parang isang panaginip ang lahat. Una siyang dumilat sa walang kulay na kapaligiran ng parang makalumang kalye. Mahamog. May mga karwahe, maliliit na kalsada, at magagarbong disenyo sa bawat gusali.

Kinusot niya ang mga mata at sa muling pagdilat, nagkakulay ang lahat.

Nagkaroon ng mga tao sa kapaligiran. Umandar ang mga karwahe. Narinig niya ang mga ingay tulad ng takatak, lagaslas, huni, bugso ng hangin, at usapan.

"Quaintrelle" ang pangalang nakalutang sa kalangitan.

Pamilyar sa kaniya ang lahat. Pero wala siyang maalala.

Sinimulan niyang maglakad.

Sa pagtahak niya sa maliit na kalsada nakarating siya sa mas malawak pang distritong may mga abalang taong nagkakagulo.

Maya-maya nagsilingon sa kaniya ang lahat. Kasama ang mga unipormado at may mahahabang baril na makalumang mga sundalong nakatayo sa isang malawak na palasyo. Napahakbang pa siya paatras nang tinakbo siya ng mga sundalo at patalikod na pinalibutan.

"Protektahan ang kamahalan!" utos ng isang matandang sundalong may unipormeng napakapino ng pagkakaplantsa.

"Sino ka?" Naitanong ni Skylar.

Matipuno siyang sinilip sa dulo ng paningin ng matandang sundalo. "Heneral Kristof Shostakovich ng sandatahan ng Aschewartz mahal na hari. Ikinagagalak kong makilala ka."

Shostakovich. Narinig na niya ang pangalang yun dati.

"Patabihin mo ang mga tao Sarhento Russo," utos ng heneral.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon