Chapter 36: Arise

43 6 0
                                    

Sumisingaw ang usok sa dulo ng baril na nakatutok sa kisame. Hawak ito ni Natalia habang mahigpit siyang hawak sa palapulsuhan ng hari ng Devonika.

Gigil niyang binabawi ang braso habang nagngingitngit dahil sa kamatayang hindi niya nahabol at habang malayang umaagos ang guhit ng luhang 'di niya maputol-putol.

Narinig niya ang malalim na ungol ng hari bago siya hinigit at marahas na itulak sa pader.

"You're too passionate," bulong nito sa tainga niya habang nagsisibagsakan ang librong nakasalansan sa tabi.

"Sadly, 'yokong makakita ng Romeo and Juliet tragedy. Tigilan mo na ang pag-akto mong parang isang NPC!"

Pwersahan niya itong itinulak ngunit hindi niya nagawang matinag ang maskuladong lalaki.

"Mas mataas ang level ko sayo. Kitang-kita ko ang pangalan mo sa itaas ng ulo! Blue, hindi green. Isa kang player," bintang nito sa kaniya.

Hindi na niya kinaya ang mahigpit na kapit sa kamay niya kaya't nabitawan niya ang hawak na baril.

"Kaano-ano ka ni Skylar? Anong pakay mo? Anong dahilan mo at nagpapanggap ka?!"

"Bitawan mo ako!" tugon niya dito bago pumihit pakaliwa't napalaya ang sariling braso. "Wala akong alam sa mga sinsabi mo!"

"Ako si Lady Natalia Pale. Anak ng dating count Wilhelm Pale. Anak ng pumanaw na duke Wilhelm Pale. Ang kapitan ng Harlequin Division ng sandatahan ng Aschewartz! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" sabog ni Natalia at pumitik ang pigura sa iba't-ibang hugis at kulay.

Napaatras si Kelexto.

"Our prince died. Paano ako makakasiguradong hindi ka kasabwat sa nangyaring kaguluhan," naging matalim ang mala-diyamante niyang titig.

Binunot niya pa ang espadang nakatusok sa sahig. "Haring Kelexto ng Devonika. Wala man ang duque at ang prinsipe, kayang maghiganti ng kahariang ito."

Walang pasabi, hinawi niya ang espada sa leeg ni Kelexto. Mabilis naman itong nailagan ng hari at nagpalit anyo bilang kalahating tigre.

"Ganito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat?" anito at kinalmot ang sahig sa pagtalon palayo.

Hindi niya ito inintindi't palusong na tinuhog ang hari. Nasaksak niya ang binti.

Kagat-labing nagpalit anyo bilang oso si Kelexto saka siya dinambahan ng mabigat na kamay. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumalag.

"You're definitely a player!" muling bintang nito sa kaniya bago umalulong at hagipin ang bewang niya. Napatalsik siya at napunit ng apat na mahahabang kaluskos ang suot niya.

Nilingon nila ang pistol sa sahig. Nagkatitigan. Kalaunan ay magkasabay nila itong tinakbo.

Bang!

Padapang bumagsak si Kelexto sa sahig na puros bangkay ng Manta Rays.

Sakto namang dumating ang ilang mga sundalo at nagkumpulan sa entrada ng opisina. "Kapitan Natalia!"

Nakatiim niyang dinamdam ang pagtagaktak ng dugo sa buong katawan. Kita niya ang paninindig ng balahibo ng mga nakamasid ngunit masyado siyang pagod upang umintindi. Ano ngayon kung makita siya sa isang hindi kaaya-ayang estado?

"Inspect."

[Gunshot wound...]
[Stab wo...]
[Bleedi...]

"Dalhin ang hari ng Devonika sa chambers," aniya bago mapangiti nang mapait.

"Kumuha kayo ng komportableng higaan para sa prinsipe."

.

.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon