Chapter 20: Party

90 19 6
                                    

"Ahh shit." Sa isip-isip niya na sinundan pa ng ilang malulutong na mura.

"Sorry but, do I know you?"

Hindi siya umimik at napaisip lang sa kung anong magandang dahilan habang dahan-dahang napapabawi ng rapier.

"No," ang naisip niya lang na maisagot habang nerbyosong napapadasal sa lahat ng diyos. If she recognize me, I don't know what would be the consequences.

"Isa ka bang ruler?" Kalaunang tanong ni Veronica na mataman niyang inilingan.

"Oww, then... Gusto mo bang gumawa ng party? Kailangan ko ng vanguard hehe," maamong hiling sa kaniya ng dalaga. Kita niya pa kung paano tumaba ang pisngi ni Veronica dahil sa naniningkit na nitong ngiti.

Pagkatama ng pana ni kupido, mabilis siyang napaayos ng sarili habang napapakamot sa batok dahil sa hiya. Hindi manlang niya alam na napapansin ng dalaga ang pamumula niya.

"Okay," tugon niya kalaunan.

"Talaga? Thankies! Wag kang mag-alala hindi ako player killer. Isa 'ko sa mga security council member kaya ligtas ka sa'kin!" Aniya at kinuha ang kamay ni Skylar bago magiliw na naglikot dahil sa tuwa.

Nahiwalay si Veronica sa mga kasamahan ngunit ngayong may kasama na siya, wala na siyang poproblemahing panganib.

Sa pagpapatuloy ng usapan na iyon, napuno ng ingay ang paglalakbay ni Skylar. Pasalit-salit ang mayumi at cheerful na personalidad ni Veronica kaya hindi siya nagsawa kahit na naging mahaba man ang biyahe sa kawalan ng kabayo niya.

Kylar ang ginamit na palayaw ni Skylar bilang pagpapakilala samantalang nalaman niya namang River ang in game name ni Veronica.

Noong naglaon, hindi lang sa itsura kundi pati sa mannerism nasigurado ni Skylar na si Veronica ang kasama niya. Mula sa paglalakad, sa paraan nito ng pagsasalita, at sa madalas na paggamit ng peace sign sa tuwing magkakamali. Sigurado siya.

Hindi nagtagal, inabot na sila ng dilim sa daan.

"Huff! Ahh..." Napaupo sa tabi ng puno ang dalaga matapos magsindi ng apoy gamit ang mahika.

"Kylar, sobrang galing mo kanina! Yung moves mo parang katulad sa mga pelikula. Nung nag-improvise ka ng bomba para makatakas tayo doon sa kumpulan ng slime ang astig! Ang talino mo. Sorry naubusan ako ng mana," She pouted.

Hindi alam ni Skylar kung saan lilingon dahil sa magkabilaang papuri sa kaniya ng dalaga at sinasalag niyang low-grade wolf.

Nang matapos sa pag-secure ng paligid, napahinga siyang maluwag at pagod na napalapit sa dalaga.

Tinipid niya ang bala sa kabuuan ng naging biyahe kaya natural lang na mapagod siya kung manipis na rapier lang ang gamit niya.

Maya-maya, naramdaman niya ang pagdampi ng isang panyo sa pawisan niyang leeg.

"Ahh!" Tili niya bago mapatingin sa nagtatakang kasama niya.

"Sorry. Naisip kong punasan ka. Wala ka bang panyo? Kahit gameworld to pagpapawisan ka parin," nagaalala pang tugon ni Veronica.

"Uhh... Wala. Salamat."

Kahit na oras na iyon ng pahinga, hindi mapakali si Skylar. Hindi siya komportableng may presensyang nasa tabi niya. Hindi pa nakatulong ang countdown na nasa harapan niya.

Mauubos na ang epekto ng potion kaya pasimple siyang napabukas ng bag at inom ng violet na laman ng vial.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit mag-isa ako sa gitna ng kawalan?" tanong ni Veronica.

Nagmamadali naman siyang napasara ng bag bago sumagot. "Hindi. Alam kong may dahilan ka," aniya. Kung tutuusin pareho lang naman silang nasa gitna ng kawalan bago magkita.

Mas lumapit pa sa kaniya ang dalaga at matamis siyang nginitian.

"Anyways, nahiwalay ako sa grupo ko dahil sa ambush. Nasabi ko naman sayong kasali ako sa security council diba?"

Napatango si Skylar.

"Nandito kami sa Dagger Peninsula dahil sa isang player na nagmamakaawa sa mga kalye ng Leatial. Apparently, may isang human ruler class ang pumapatay sa lahat ng non-human players sa region na 'to."

Pagkarinig sa paliwanag ng dalaga, napaigting ang panga ni Skylar dahil sa ideyang pumasok sa isip.

"Bukod doon, may nadiskubri din kami," sa puntong iyon, sumeryoso ang timpla ng kasama niya. Ramdam niya din ang bigat ng paligid dahil sa biglaang pagbabago ng tono ng dalaga.

"Siguro naman kilala mo si Halleck."

Hindi siya umimik.

"Malapit siya sa lugar na to."

Gusto niyang matawa dahil sa sobrang lapit ng taong tinutukoy ni Veronica--- nasa tabi lang. Ngunit sa loob-loob niya, gusto niya ding mawala nalang at malamon ng lupa.

Alam niyang parehong hindi magandang ideya ang dalawang iyon.

"Anong gagawin mo kung makita mo siya?" Tanong ni Skylar habang mahigpit na napapahawak sa nakasukbit na mauser sa tagiliran.

"I'll kill him. Siya ang inspiration ng lahat ng player killers sa Reignland. Mas mabuti na ang putulin ang ugat ng lahat ng problema hindi ba?"

Nasamid siya sa mga salitang narinig. Handa na siyang bunutin ang baril sa anumang oras. Hanggang sa...

Bang!

Umalingawngaw ang malakas na putok sa buong kapatagan. Kapansin-pansin ding nagbago ang ihip ng hangin at kumalat ang hamog sa buong paligid.

Bang!

Bang!

Bang!

Muli nanamang alingawngaw ng hindi maipagkakailang putok ng baril. Mula sa kinaroroonan ni Skylar, makikitang namatay na ang apoy mula sa campfire habang maiging nakatakip ang kamay niya sa bibig ni Veronica.

"Kylar?" Pilit na tanong ni Veronica habang nagtataka sa ikinikilos niya. Nang naglaon, napabitaw siya sa dalaga.

"Putok yun ng baril sa kanluran. Tingin ko may malapit na mga Victorian," paliwanag niya.

"Anong gagawin natin?" Tanong sa kaniya ng kasama.

"Magpatuloy na tayo pasilangan. Base sa biglaang paglabas ng hamog sa paligid, naka-trigger sila ng Boss-grade monster."

Napatango ang dalaga.

Tagaktak ang pawis sa noo ni Skylar. Muntikan nanaman siyang gumawa ng isang hindi matatamang  pagkakamali. Takot siyang makilala at higit sa lahat ay mabuko. Gusto niya lang makabalik sa sariling mundo.

Bakit kinakailangan pang maging mahirap ang lahat?

Sa kalagitnaan ng gabing iyon, nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad pasilangan habang artipisyal na pinapababa ang fatigue status gamit ang mga tea items.

Nakatawid sila sa isang malawak at malalim na ilog gamit ang mahika. Inakyat nila ang ilang mga burol. Pagkatapos ng huling pahinga, narating nila ang isang maliit na bayan.

Saktong pagkatapak nila sa loob, papasikat na ang araw.

"Andalusia. Ito ang teritoryong poprotektahan namin," aniya ng kasama niya habang pareho silang nakatanaw sa mga taong may buhat na malalaking troso at hatak na mga kariton ng bato at armas.

"River! Mabuti at ligtas ka!" Bungad ng isang lalaking nakasuot ng mamahaling baluti.

"Sorry, natagalan ako Leviathus."

***

A/n: Sorry natagalan, matatapos na kasi yung 1st grading namin kaya ayun :<

Plano kong bumawi sa tagal ng update kaya may kasunod agad tong chapter siguro mamaya o bukas.

Enjoy reading...

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon