Kita ang panlilisik sa mga mata, mistulang mabibigat ang yapak sa kakahuyang basa at maalikabok ang hamog. Winisik niya ang dugong nakalap ng suot na gloves.
Ginawa siyang kontrabida, pinagbintangang mamamatay-tao, at pagkatapos ituring na universal standard ng masamang ruler class, ayaw din siyang bigyan ng pagkakataong linisin ang pangalan. Nananahimik siya ngunit gusto pa siyang mamatay?
Anong sunod? Isa siyang cheater at totoo ngang kasabwat ng hacker? Wala siyang ginusto sa lahat ng 'to pero kung gusto nila ng patayan bakit siya aatras?
Madilim ngunit tumatagos ang sinag ng araw sa mapupulang dahon ng ilang mabababa ngunit matatayog na puno ng Bloodmist.
Sa patuloy niyang paglalakad, nasalubong niya ang isang natutulog na dalaga. Katabi ang 'sang rapier habang nakahilig sa ugat ng isang puno.
Animo'y nagniningning sa mapanglaw na kakahuyan, kumikislap ang ginintuan nitong buhok sa pagtama ng liwanag.
Pinawi ng tanawin ang pagkakasalubong ng kaniyang mga kilay. Nagsilbing suporta niya sa maugat na lupa ang mga punong may bakas ng talim.
Tahimik siyang humakbang palapit sabay luhod.
"Aya," aniya.
Sapat na ang tinig na iyon upang mapabalikwas ang tulog na sundalo. Nagkatitigan ang dalawa. Parehong kuryoso sa dahilan kung bakit sila nagkita sa ganitong lugar.
Hindi niya napigilang ngumiti. Namula naman ang muka ng kaharap niya.
Hindi nagtagal napatayo siya nang mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't-isa.
"Prinsipe," akmang mauutal, pinagpag ng dalaga ang sarili sabay ayos ng buhok.
Napalayo naman siya ng tingin sabay lunok ng tuyo.
"How's everyone?"
Nang hindi ito sumagot, napatingala na lamang siya sa kalangitan.
.
.
.
Parada ng mga sundalo ang nasa kalye ng Dampkeel.
Tinatanaw ng mga mamamayan ang kabaong na balot ng watawat bilang pagkilala sa kamatayan ng Duque ng Dagger.
Hindi nagtagal, narating nila ang pantalan.
Asembleya ng pulutong ng mga sundalo ang nakahanay at naghihintay. Dinig ang hudyat at sabay-sabay na pagpapaputok ng baril sa kalangitan. Sa 'di kalayuan, dumadagundong ang karagatan dahil sa mga kanyon.
Sa kalagitnaan ng mga ingay. Nahati ang kumpulan ng mga tao sa gawing likuran. Nagsisigawan ang mga sundalo habang may mga kabayong nagmamadaling makalampas.
"Padaanin ang prinsipe!" sigaw ng mga ito.
Napasinghap pa ang mga tao. Maging ang mga sundalong itinuring siyang patay. Sapat nang katibayan ang presensya niya upang mawala ang pangambang patay na siya.
Hinawi ng mga armadong Paladins ang mga mamamayan. Kita niya ding natanaw siya ni Heneral Shostakovich mula sa balkonahe ng isang gusali.
Kalaunan, natunton niya ang kabaong na napapaligiran ng mga puting bulaklak. Napababa siya ng kabayo at nilakad ito nang bagsak ang mga balikat.
Handa siyang saluhin ang responsibilidad ngunit sapat ba iyon? Sapat bang puro sorry nalang siya? Lagi nalang.
Binunot niya ang espadang nasa bewang at inilahad ang kaliwang braso.
Mataman naman siyang pinagmasdan ni Natalia na nagpupumilit na iwasang tingnan ang kinahihimlayan ni Duke Pale.
Walang pasabi, hiniwa niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ciencia Ficción"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...