Chapter 26: Damp

91 14 4
                                    

Kasabay ng paghampas ng hangin at mabibigat na alon sa dalampasigan, rinig ang lagaslas ng tubig mula sa bagong gawang fountain sa bagong distrito sa pantalan.

[Dampkeel
Type: Commercial district
Location: Quaintrelle]

"Hinga... Hatak! Hinga... Hatak!..." Sigaw ng mga sundalong humahatak sa puno ng kargada at gawa sa kahoy na barko.

[Schooner (sail ship)]

Araw-araw magmula noong gabi ng pagkakasakop sa Cliff Castle, dumagsa ang mga gustong magparehistro bilang sundalo ng Aschewartz. Dahil isang laro, hindi ito naging ganoon kalaking problema.

Gayunpaman, ramdam na ni Skylar ang bigat ng sitwasyon.

Sa isang gusali ng palasyo kung saan kitang nakatanaw si Skylar sa bintana, hawak niya ang isang low grade na kapeng gawa ni Natalia. Nasa likod niya ay kumpol ng mga papeles na nakatambak sa lamesa habang matuwid na nakaupo ang tatlong ginoo at humihilik ang isa.

"Bagamat makakatulong ang kweba at Vulcani Isles, hindi na nito kakayanin ang patuloy na paglago ng Aschewartz," aniya ni Duke Pale nang bakas ang mga hindi pa naghihilom na sugat sa noo.

"Malaki ang naitulong ng Vulcani Isles upang madali tayong makalikom ng pulbura para sa nagdaang giyera. Kung ipagpapatuloy lang natin ang pagmartsa sa hilaga, makakakuha tayo ng bagong resources," suhestyon naman ni Rosto Millard na kataka-takang nakadamit pang siyentipiko sa pagkakataong iyon.

"Kakayanin ba ng produksyon ng mga baril sa Pinkmustard ang isa pang giyera?" Pagkonsidera ni Skylar.

Ngunit madali lang din namang naputol ang usapan sa sigaw ni Heneral Shostakovich. "Hindi maaari ang ideyang ito kamahalan! Bukod sa sugatan ang karamihan ng may karanasan sa hukbo, wala ding kasiguraduhan ang pagkapanalo kung kulang ang mga supplies."

Sa tulong ng sigaw na iyon, nagising mula sa pagkakatulog si Nicollo. Kita pa ang nanuyong laway nito na hindi na dapat isinama sa graphics ng laro.

Habang napapakusot-kusot ng mata, napatango-tango si Nicollo na kinainisan naman ng binibining nakasilip sa pintuan ng opisina.

"May kailangan ka ba Aya?" Naitanong tuloy ni Skylar.

Mabilis pa sa alas kwatrong napasarado ng pinto ang dalaga kasunod ng mabibigat na yabag.

Nang pansinin ang iba't-ibang mukhang nasa harapan niya, napabuntong-hininga na lamang si Skylar.

"Bilang paunang remedyo, ipagpatuloy natin ang pagbibigay ng manual labor sa mga sundalo bilang alternatibong training. Susubukan kong kausapin ang mga pangunahing negosyante at merchant ng buong peninsula para magkaroon ng malinaw na desisyon."

Kalaunan, nagsitayuan na upang lumabas ang mga nasa loob ng opisina--- maliban kay Nicollo na abalang mag-ayos ng sarili.

"Kapitan Nicollo," tawag ni Skylar sa napapahikab pang NPC

"Yes your highness?" Anito.

"Kilala mo daw ang mangingisdang nakadiskubri ng Vulcani Isles. Gusto kong isama mo si Kylar sa muli niyang ekspedisyon," aniya na kinunutan ng noo ni Nicollo. "Kylar?"

"The woman you met when we were invaded."

"Pero may gagawin kasi ako eh..."

"Hintayin mo siya sa pantalan bukas nang umaga," walang pakialam na dugtong ni Skylar.

Pagkatapos ng usapan, bumalik siya sa nakatambak niyang gawain.

Ika-apat an araw makalipas ang digmaan, kasunod na gumuho ang kaayusan sa loob ng laro. Hindi dahil sa taong may pakana ng pagkakakulong ng milyong tao, kundi dahil sa mismong mga biktimang iyon.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon