Chapter 13: Into Leatial

134 25 4
                                    

I can see it... mula sa kinatatayuan kong hinahampas ng maalinsangang hangin, kita ko ang puting watawat na ibinabandera mula sa loob ng syudad.

--Notification--

You have slain an Elven ruler, the Medieval Fantasy class Erisis of Greenmustard nation!

Rewards:
>677s tokens
>+3 Influence
>Map of Greenmustard nation

---Notification--

New settlement conquered!

Rewards:
>Town of Pinkmustard
>219 refugees
>10RP points
>...

--Nation-Window--

Nation: Aschewartz[637 residents]
Settlements: 2
Capital: Quaintrelle[418 residents]

Type: Victorian
Level: City 2
Designated Fund: 35s
Revenue: [489c]

Officials: 2
Soldiers: 99
Civilians: 317 (+219 refugees)

Status:
>Loyalty[86%]
>Satisfaction[87%]
>Influence[9]

--

.
.
.

.

.

"I understand it now. The three of them were friends I suppose," kausap ko sa kawalan habang mag-isang nilalakad ang kalyeng puno ng mga galit na tingin.

Dalawang divinity at isang Elven Ruler. Kung ganoon, sa palagay ko elven settlement ang Greenmustard habang Divinity ang Goldmustard na teritoryo ng muntik na pumatay sa akin.

Madali ko nalang na makukuha ang mga settlement na iyon. Mukhang sa ganoong paraan lang ko makakakuha ng RP.

"Your highness. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Gen Shos nang masalubong ko sa daan. Kita ko pa ang paglihis ng tingin niya sa binti kong may tama ng pana.

"I saw Natalia. Nasaan siya," balik kong tanong.

Bago pa man siya makasagot, humakbang mula sa likuran niya ang maharlikang NPC. Ako pa ang nagtaka nang makitang masama ang tingin niya sa akin.

I'm tired and don't want to argue so I let her show her intimidation before I spoke. "She'll be the captain of the Harlequins."

Mabilis pa sa alas-cuatro, nagbago ang ekspresyon nila- ang heneral dahil sa gulat samantalang si Natalia dahil sa pagkalito. Ipinagkibit-balikat ko lang iyon.

"Kapitan Natalia Pale, itinatalaga kita bilang pansamantalang tagapamahala ng lugar na to," dagdag ko pa.

Ayokong bigyan sila ng pagkakataong makapagsalita. Masyado na silang suggestive para sa isang NPC at subordinate ng isang player.

Mas mabuti na din iyon sa palagay ko dahil magagawan ko ng paraan ang kakulitan ni Aya. Bukod sa anak siya ng isang count, sundalo na din siya sa tulong ng pagtatalaga ko. Wala na akong magiging problema sa bawas sa RP.

"Nasaan si Nicollo?"

"Prinsipe," saludo sa akin ng hapong-hapong Nicollo. Bakas sa mga dahon at sangang nasa buhok niya na may kung ano siyang pinagdaanan.

"Anyare sayo?" Hindi ko napigilang maitanong. Kita ko pang umasim ang mukha niya at masamang napatingin kay Natalia.

"Sorry prinsipe Halleck, sinubukan ko lang na hagilapin ang mga Harlequins sa kakahuyan," aniya. Mukhang parehong si Aya ang sakit namin sa ulo.

Itinago ko ang kaliwang braso ko sa likod. "Nicollo, humanap ka ng mga craftsman mula sa mga refugee. Pagawain mo sila ng mga maskara at ipadala mo sa palasyo."

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon