[Welcome outlander, I daresay. What is your name?...]
Insert name: Halleck.
[Halleck it is. I greet you.]
[Do you want to change you hair/eye color?]
Change eye color into a golden hue.
[Confirmed. Please choose your class: Divinity, Medieval, Lordship, Victorian.]
Victorian.
[Confirmed. What will be your capital's name?]
Insert name: Quaintrelle.
[Confirmed. What is your nation called?]
Insert name: Fire nation. I laugh to my self. Ang babaw ng kasiyahan ko.
[Invalid. This name is already taken]
Pfft. HAHAHA.
[Invalid. Unable to comprehend. Please be noted that the system follows voice command and the current conscious literary interpretation of the user. Any correction to the spelling can only be done inside the game.]
Insert name: Aschewartz
[Confirmed. Please choose your continent.]
Central.
[Commencing transfer... Updating Databases... Initiating random spawn... I greet you Prince Halleck of Aschewartz.]
Ilang sandali pa, bumalik ang limang pandama ko at nagkaliwanag ang paligid.
Nalanghap ko ang preskong hangin na may bakas ng simoy ng dalampasigan. Sa maikling panahong nakapikit ako, narinig ko ang takatak mula sa pares ng takong.
"I greet you your highness," aniya ng isang malalim na boses. Pagkadilat ko, natanaw kong naka-bow ang isang lalaki sa hindi kalayuan.
Kapansin-pansin ang buhok niyang ash blonde kahalo ng sinag habang makikita naman ang ganda ng texture ng suot niyang long coat dahil sa repleksyon ng ilaw.
Napatingin ako sa mga naglalakihang bintana na nasa gawing kaliwa ng malawak na bulwagan. Mula sa kinauupuan kong trono, tanaw ko ang isang hindi ganoon kalawak na bayan sa tabi ng malawak na karagatan.
Pagkatayo ko sabay lapit doon, mas maigi kong nakita ang mga holographic na salita sa langit. Quaintrelle.
"Wow." Ang nasabi ko - hindi maalis ang ngisi sa mukha.
"Kamahalan, katulad ng nakikita ninyo, malaki ang pinagbago ng Quaintrelle. Kasalukuyan nang nagkakagulo ang bayan," wika ng lalaki. Saka ko nakitang may lumulutang na virtual screen sa tapat ko. Tinatanong kung gusto kong dumaan sa tutorial.
Decline.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Count Wilhelm Pale, your highness."
Sinilip ko siya mula sa balikat ko. He has this kind of stern look in his aged face. I got a titled resident. Napangiti ako sa sarili ko habang napapaisip nalang sa kung paanong paraan ko pasasalamatan si Alex kapag nagkita kami.
"Pupwede mo ba akong ilibot?" Humarap ako. Napayuko naman siya bago ako igaya palabas sa pintuan ng throne room.
I'm a prince. This is surreal. Ngayon palang, nakikita ko na kung anong kinaadikan ni Alex sa larong ito. Ilang taon na din mula noong nakalaro ako.
Sa daan, napansin ko ang suot ko. Ang bigat ng nasa gawing kaliwa ko at ang kalansing ng nasa gawing kanan. Lumulutang sa ere ang mga pangalan ng kagamitang iyon.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ciencia Ficción"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...