Malakas ang buhos ng ulan. Basa ang mga pasilyo. Sa pagkulog at pagkidlat, nahinto ang aliw na dulot ng duel ng puganteng si Winter at ng bisitang si Shitzu.
"Nasaan ang Aschewartzian players?" tanong ni Skylar kay Daisy habang pareho nilang tinatanaw ang mga nagmamadaling tao sa bintana.
"May sarili silang district. Doon umuwi yung iba habang nasa main hall naman yung mga naabutan ng malakas na hangin," sagot ng dalaga.
Maya-maya'y lumapit si Shitzu habang hatak-hatak si Winter na nakagapos ng isang mythical item.
"Halleck, diba magandang parusahan ng exile papuntang Yuugen si Winter," nakabungisngis na utos ng bwisita kahit na alam niyang gusto lang nito ng sparring partner.
Huminga siyang malalim at napapikit. "Natalia, ihanda mo ang dokumento sa pagpapatapon sa puganteng si Winter patungo sa Yuugen."
Narinig pa nila ang ungol ng 'di pagsang-ayon ni Winter habang nakabusal ang bunganga.
"Daisy, handaan mo ng hapag ang mga samurai."
Bungisngis ang tugon ng mga alagad ni Shitzu.
"Fine."
Kalaunan, Umaliwalas ang kapaligiran. Naiwan ang mga basang bakas sa sahig hanggang sa sina Natalia at ang iilang Harlequins at Paladins nalang ang natira.
.
[Congratulations to player Izrail for triggering the superstorm event]
[Condition:
> survive 3 days gainst the disastrous weather.
Rewards:
> +10 to all stats (adventurer players only)
> +10 residence resilience (ruler players only)
Penalty:
> Death
> -50% territorial population (ruler players only)][Remaining time: 72 hrs 43 mins]
.
Tinitigan niya si Natalia. "Mamaya na natin pagusapan kung sinong nagpapunta sayo sa Pinkmustard."
"Tawagin ang lahat ng engineer at inventor na nasa syudad. Ideklara ang state of emergency."
.
.
.
Masama ang naging umaga ni Skylar.
Upos na ang pasensya niya sa pamomroblema palang sa mga kulang sa pansin na samurais at kay Winter na hirap siyang maikulong.
Di pa kasama ang mga nasirang iprastrakura noong nakaraang araw dahil sa "mainit na pagsalubong" sa isa't-isa ng dalawang kung sino na coincidentally, nasa top 7.
Naisip niyang remedyo ang isang pormal na duel pero halos magwala na siya sa pagpapatigil nang dumating si Natalia kasama ang pulutong ng Harlequins.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya.
Tatawa-tawa lang yung mga heneral ni Shitzu noong makita sina Natalia kahit na alam niyang nangangati sila sa laban at handang hamunin maging ang sarili niyang mga sundalo.
"Anong nangyayari Kamahalan? Akala ko pinatawag niyo ko? Bakit nandito sina Winter at ang mga taga-Yuugen?"
Umigting pa ang panga niya kanina.
"Hindi kita pinatawag."
Mabuti nalang at nagkaroon siya ng magandang alibi. Superstorm event.
Pagkabasa sa isang world notification, nakumbinsi niya si Shitzu na ihinto ang laban. Nakalma niya din ang inis nito sa naunsyami nanamang duel.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Bilim Kurgu"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...