Chapter 1: Skylar Halleck

901 50 1
                                    

Sumisilip ang liwanag ng araw mula sa blinders ng bintana. Ito na ang ikalawang araw na hindi ako nakatulog.

Pagkatapos ng naging examination sa klase, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang pag-igihin pa ang pag-advance study.

Hindi ko maintindihan. Bakit kahit anong gawin ko, parang hindi parin sapat ang kahit na anong ginagawa ko?

Napaigting ako ng panga dahil sa pilit na pagpigil ng hikab ko. Napapahid pa ako sa mata nang maluha ako sa kakatitig ng maliliit na letra sa textbook.

Bakit hindi manlang nila ako mapansin? Ginagawa ko naman ang lahat.

Kalaunan, hindi ko na kinaya. Napatayo ako sabay layo sa study table para pumunta sa kusina. Sa kabuuan ng panahong naglalakad ako sa dilim, hindi ko namalayang nakapikit na pala ako.

Pagkadilat ko ay nasa tapat na ako ng refrigerator. Napahikab akong muli. Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan.

Kinuha ko ang kahon ng gatas sa ref at saka lumapit sa dish rack para kumuha ng baso. I poured it and gulped in one go. Bottoms up.

Napalingon ako sa maliit na vent window sa gilid ng lababo ng apartment. Kakasikat palang ng araw. Kita ko kung gaano na ako kaputi nang matamaan ng sinag.

Nangangayayat na ako dahil sa ilang araw na kakulangan sa pagkain at tulog.

Napalingon ako sa mga balat ng tsitseryang nakakalat sa sahig. At least hindi ko naisipang ikalat ang mga yon sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isa nanamang chips mula sa rack sa itaas ng ref bago bumalik sa kwarto ko. Pagkarating, imbes na bumalik sa pinagaaralan ko, nilampasan ko ang nakakalat na gitara at mga libro para marating ang desktop.

Napasuot pa ako ng blue light glasses na nasa tabi ng keyboard bago buksan ang social media. Araw-araw akong nagbubukas ng account ngunit hanggang ngayon, wala paring ganoon kaimportanteng kaganapan. Puros balita lang tungkol sa VRCC at Reignland.

Kailangan ko ng pahinga. Pagkatapos ng 1 week vacation na to matutulog na ako.

Saktong pagkatingin ko sa isang specific na account, lumitaw ang green dot mula doon na nagsasabing online siya.

"Hellp," I chatted nervously. Nang makita kong mali ang spelling, napabura nalang ako.

Huli na dahil nakita niya at nagreply siya. "Hey.. what's up?" Aniya. Napangiti nalang ako sabay salumbaba.

"I mean hello. Nangangamusta lang," reply ko pabalik. Kasabay ko ding binuksan ang chips at sumubo.

"Ganun ba?" Reply niya lang. Napaisip tuloy ako ng idudugtong sa usapan. Minsan, may mga pagkakataon talagang gusto ng mga babaeng tapusin ang usapan sa ganitong klaseng tanong.

Siguro busy siya? Gusto ko lang makipagusap.

"I heard may Dreamscape ka? Ngayon ang launching nun diba?" Tanong ko sa kaniya. Nagtagal pa ng ilang minuto bago siya nagreply. Sa puntong yon patapos na akong kumain.

"Yeah." Isang salita. Hindi ko napigilan ang sarili kong mag-overthink. Anong ibig sabihin niya?

"Alam kong naikuwento ko na sa iyo ang mga alam ko tungkol sa Reignland pero kung gusto mong magpatulong pa sa hinaharap wag kang mahihiyang magtanong," pagbubukas ko ng topic.

Napatahimik nalang ako sabay pikit dahil sa kahihiyan nang makitang na-seen lang ako.

"Anyways. Magpapaalam na ako, may gagawin pa 'ko," paalam ko kahit na ayaw kong matapos ang usapan.

Pagkakita sa sagot niyang "Okay", napatulala nalang ako sa profile picture niya.

I think outstanding naman ako sa klase. Hindi din ako hirap sa sports. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pakiramdam ko hindi niya ako papansinin kahit na anong gawin ko.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon