Dumating si Natalia sa Devondale nang masama ang timpla. Hindi niya matanggap ang naging pagkatalo at kahihiyang nagawa ng assassin sa sariling reputasyon.
Hindi siya karapat-dapat na maging heneral puna ng mga karanggo. Alam ng mga to kung gaano kalakas ang adventurers ngunit walang nagkunsidera.
Nawala maging ang tiwala sa kaniya ng hari na trinato siyang pawang isang babasaging pinggan.
Sa isa sa mga steamship na nakadaong sa maalikabok at gumuhong syudad, inalalayan siya upang makita ang hari.
Kalaunan ay walang pasabi niyang pinasok ang isang cabin.
Naabutan niyang may winawasiwas na virtual screens ang lalaking nakasuot ng honorary uniform. Marahil di pa nito alam na nakikita niya ang mga iyon ngunit bakas na ang pagiging maingat nang otomatiko nitong inalis lahat.
Pagkawala ng virtual screens, tiningala siya ng hari. "Nakatanggap ako ng report mula sa 2nd Clamour Battalion."
"Tatlong araw na ang nakakalipas, natagpuang wala nang buhay ang isang buong kampo ng Clamours sa hilaga. Bawat isa ay may saksak o 'di kaya'y laslas sa leeg."
Seryoso ang itsura niya dahil sa naging bungad.
"Kaninang umaga naman nagmamadaling dumating ang isang sugatan at nakakabayong sarhento ng Mavericks na nakatoka sa pagbabantay sa border ng Devondale."
"'Sinaksak ng mga multo ang kasamahan ko,' aniya," pagpapatuloy ni Haring Halleck.
"Magpadala ka ng Harlequins upang mag-imbestiga sa mga insidente—"
"I'll do it," putol niya sa utos na nagpataas sa kilay ng kaniyang kausap.
Napahingang malalim pa ito sabay sandal nang maayos sa kinauupuan.
"Hindi pwede."
Hindi niya napigilang kumulo ang dugo pagkarinig sa walang paliwanag na hindi pagsang-ayon ng taong dinidependehan niya.
"Bakit? Isa din akong Harlequin, kamahalan."
Tinangkang magsalita ni Halleck ngunit kinain din ang mga naiisip. Mas nadismaya lang siya dulot nun.
"Pinaglilingkuran ko ang isang hari at hindi isang diktador. Let me be myself and I'll unconditionally honor you."
Hindi nagtagal, sumaludo siya at iniwang tahimik ang silid.
.
.
.
.
.
.
Naaalala niya pa noong hindi siya payagang sumama ng hari sa pagsakop sa Pinkmustard.
Kapareho ng inis noong araw na iyon ang malumanay niya ngayong pagtitimpi habang tahimik na nagmamasid.
Magaang kinakagat ang loob ng pisngi.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...