Chapter 40: My Morality

51 7 2
                                    

Skylar's PoV

"Halleck, king of Aschewartz," bulong ng 'di ko kilalang lalaki.

Maagap namang napatayo si Aya sabay bunot ng baril.

"Sino ka?"

Balot 'to ng kompartableng itim na high-grade clothing na sigurado akong wala sa mga tipikal na espiya ng Security Council.

Imbes na umimik, pasimpleng umatras ang lalaki, palapit sa bintanang nakaawang ang kurtina.

"Aya."

Umalingawngaw ang bulwagan sa mga putok ng baril.

Napadulas naman at takbo sa madidilim na sulok ang lalaki.

Nagmistulang christmas lights ang liyab ng pistol habang binubunot ko naman ang espada sa paghahanda sa mga posibleng atake.

TING!

Nagtama ang aming mga patalim. Naputol pa ang rapier ko sa tulin ng atake. Mabuti nalang at nakaligtas sa tulong ni Natalia.

"Null Blizzard!"

Sumiklab ang asul na liwanag. Binalot ng mga kalansing ng patalim ang paligid sa pagtama ng buhawi ng mga wasiwas at saksak.

Pagkakita sa alanganing kalagayan ni Aya, buong lakas kong binuhat ang sarili ko palapit at pinaulanan ng sunod-sunod na putok ang kalaban.

"AHHHH!!!!"

BANG! BANG! BANG!

Tila ba pinagsakluban ng langit at lupa, nanikip ang dibdib ko nang makitang lupaypay na bumagsak ang katawan ni Natalia.

Nakita ko ang tilamsik ng dugo kasabay ng pag-ilag at sangga ng lalaki sa mga nagliliparang bala.

I stepped back.

SWISH!

Pumitik ang kulay ng paligid kasabay ng hampas ng espada.

CLANG.

Tumama sa sahig nang matamaan ko siya sa braso.

GASH.

Hiwa sa kaliwa.

Ngiwi akong umabante sabay...

THUD.

He groaned after I hit his nose with the back of the pistol.

Sa kakarampot na liwanag na mayroon ang bulwagan, nakita ko kung paano tumulo ang dugo sa ilong nito.

Pareho naming langhap ang kumalat na pulbura sa hangin. Pareho din kaming napatigil sa pagkilos upang indahin ang sari-sariling mga sugat.

Not minding the other person bleeding out of gunshot wounds, I hesitantly called out, "Natalia."

Out of breath. I tried to inch the gap between us.

Sa tuluyang pagkakalapit kay Aya, binati ako ng mga hiwa at dugong kumapit sa pisngi't leeg niya.

Lumala lang ang pag-aalala ko nang makitang gising siya ngunit hindi mapigilan ang pagdura ng sariling dugo.

No. Please no.

I reloaded then aimed at the culprit.

"Di ako pwedeng mamatay," rinig ko pang wika ng lalaki habang pinipilit na itayo ang sarili gamit ang espada.

This damned assassin.

Noong matagumpay na makatukod, dumulas pababa sa sahig ang lasog-lasog nitong black robe. Walang bakas ng bigay nitong comfort.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon