I heard the crackling of an upcoming lightning skill. Dahil doon, nagmamadali kong inutusan ang kasama kong squad unit na mag-retreat. Nakaalis naman sila, ngunit sa kasamaang palad, naiwan ako na siyang sumalo ng atake.
"Argh." Nausal ko nang mangilo ang buong braso ko noong isinangga ko.
Wala pang tatlong araw in-game ngunit meron nang player ang may 3 star magic skill? Anong level na niya at sa paanong paraan?
Maybe isa siyang Divinity class? Maybe beta tester?
Hindi ko pinansin kung saan na ako dumiretso o kung parte parin ba ng Bloodmist woods ang lugar na tinatahak ko.
What matter was the tall grasses that sprout for my convenience of hiding.
Mas mahalagang makatakas ako. And no, I will never risk the life of a precious and rare Victorian soldier from this kind of cheap ambush tricks.
Noong unang beses kong nabalitaan mula kay General Shos na may mga kahinahinalang umaaligid na NPC sa Bloodmist woods, pumasok sa isip ko ang ideya ng mga bandits.
Of course na attract ako sa ideya nun lalo na at wala manlang kaming ma-hunting na kahit anong hayop sa lugar na to. Maski nga prutas ay wala. Kung hindi ko lang naisipan na i-prioritize ang pangingisda siguro ay taggutom nanaman.
Bago umalis kaninang umaga, tinapos ko na ang lahat ng dapat asikasuhin mula sa alokasyon ng pondo pambayad sa mga NPC hanggang sa mga bubuksang proyekto. Sinong magaakalang ganito ang kahahantungan ng lakad ko.
Malay ko bang isang bloodthirsty player killer ang makakasalubong ko? And a skilled magic user on top of that!
Nakarinig ako ng mga kaluskos mula sa pinanggalingan ko. Kalaunan, sinundan na din iyon ng amoy ng usok. Just to find me susunugin niya ang buong lugar.
Imbes na pagisipan pa ang obvious na plano ng humahabol sa akin, mas minabuti kong magmadaling makalayo. Narinig ko pa ang isa nanamang kulog mula sa 3 star lightning skill noong nakapunta ako sa kabilang dako.
Di hamak na mas mahamog at madilim ang bahaging narating ko kaysa sa mga napuntahan namin sa scouting nitong mga nakaraang araw. Sana lang makabalik pa ako sa Quaintrelle.
I ran for an eternity before stumbling across a mossy and much more vegetated area.
Nang masigurado kong nailigaw ko na ang humahabol sa akin, napaupo ako sa tabi ng isang mataba at matandang puno. Mga ilang minuto pagkatapos kong mapahupa ang hingal ko, binuksan ko ang satchel bag ng napatay kong human NPC. Most probably, kasamahan siya ng mga humahabol sa akin.
Mula doon, lumitaw ang mga hologram ng pangalan ng laman noon.
"Healing potion," masigla kong basa sa isang botelyang may lamang pulang likido. The universal savior of players. Inalog-alog ko pa ang lalagyan non bago alisin ang nakatakip na cork at tunggain.
[Victorian classes are not allowed to use healing potions]
Napamura ako nang malutong dahil sa class ko. Naawa nalang ako sa HP bar ko na namumula. Less than 25% na iyon at baka makasalubong pa ako ng high level mob sa lugar na to.
Ubos na ang bala ng mauser pistol ko at tanging ang rifle nalang na mosin-nagant ang maaasahan ko sa long range na atake. Isang tipo ng mahabang baril na ikinakasa kada putok, mamamatay ako kung makalapit sila.
Kamakailan ko lang ito natutunang gamitin kaya nangangapa pa ako kahit na may aiming system mula sa masteries. Sa kabutihang palad mataas ang damage cap nito kaya nakaka-one hit pambawi sa mga pagmintis ko.
Inaamin kong naging curious lang ako sa paggamit nito kaya ako nagpaturo kay Nicollo na tingin ko ay mahusay sa baril. Base sa kalagayan ko ngayon, mukhang ito pa ang magliligtas sa akin.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Научная фантастика"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...