Chapter 38: Wargames

57 10 0
                                    

Bumibigwas ang malakas na hangin sa tatlong daang ektarya ng lupain ng marble pavements. Pumapagaspas sa ere ang naglalakihang pigura ng iba't-ibang kulay ng mitikong mga Draconian.

Sa lahat ng ito'y nangingibabaw ang laki ng isang may luntiang kaliskis habang kumikislap sa pagkapula ang suot nitong dragon armor.

Nagsibabaan ang kawan ng mga higante sa malawak na espasyong nasa gitna ng nakakalula sa laking syudad.

[Pendragon: Capital of Lóng dàn]

Sa isang pagaspas, matulin na tumalsik patungo sa entrada ng palasyo ang pinakamalaking Draconian bago mag-anyong tao upang takbuhin ang lokasyon ng pulong.

"Dumating ang heneral ng Tianshi!" sigaw ng nakahilerang mga kawal na NPC bago ipagpag sa sahig ang hawak na mahahabang sibat.

Sa loob ng palasyo, hindi iba ang nangyayari.

Kung pinagmumuka siyang maliit ng mga higanteng haligi at estatwa ng plaza, naririnig niya naman ang pagmamaliit sa isa't-isa ng mga nagkakagulong players ng Eastern Confederation.

'Di naglaon, marahas niyang binuksan ang isang makulay at dalawampung talampakang double doors.

Bumungad sa kaniya ang sinag ng hapon ng Eastern Continent.

Bahagyang maalikabok ngunit may bakas ng pagkapresko ang maalinsangang hangin.

Sa tulong ng mga tuyong dahon na bumabagsak mula sa mga bintana ng gawa sa salamin na bubungan, mababakas ang isang sopistikadong sound proofing magic circle na sakop ang bulwagan.

Nakapalibot sa malapad na lamesa ang lampas limampung players: pinagtatalunan ang mga ideya ng bawat isa habang bakas ang pagkatuliro dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

"Sa hilaga tayo dumaan, kaya kong kumbinsihin ang mga samurai sa hilaga kung naduduwag kayong tumawid ng dagat," wika ng isa bago matabunan ng ingay ng iba.

"Wag kayong masyadong mag-isip. Pwede namang hintayin natin silang matapos sa digmaan para wala na silang lakas pagdating natin," tugon ng isa pa.

"Nagsalita ang magaling. Isipin niyo yung bampira ng mga taga Southern Continent. Walang matitira sa'tin kung magkataong maunahan tayo. Masyado kayong nagpakampante eh wala nga kayong napala sa pirate subjugation. Baka naman kailangan niyo pa ng guild ko sa paghuli lang sa isang pirate class," komento at sigaw naman ng isang demon adventurer class.

Kalaunan, hindi na niya kinaya ang ingay ng paligid. Nagpalit-anyo siya at marahas na umalulong bilang dragon.

Mahigpit na nagsitakip ng tainga ang mga manlalaro habang nag-cast naman ng shields at cleansing spells ang iba.

Tipong maiihi pa sa gulat ang mga 'to.

Kung hindi lang nila napansin ang pangalan niya sa ulo, baka nasaksak na siya sa ngala-ngala.

"Anong nangyayari sa Central Continent?" aniya sa tumahimik nilang pagpupulong.

Garalgal pa ang boses niya na resulta ng nakakabinging sigaw.

Kaninang umaga lang, ginising siya ng ingay dahil sa notifications ng world chat. Kung tutuusin ay normal lang ngunit nang mabasa ang mga detalye, walang pagaatubili siyang naghanda upang magtungo ng Pendragon.

Iniwan niya ang hukbong lulusob ng Central Continent.

Nilipad niya ang pagkalawak-lawak na lupain para lang makabalik at malinaw ang dahilan kung bakit may iisang pangalan ang nagbibigay buhay sa mga diskusyon sa buong Central Continent.

Bakit para bang biglang nagkaroon ng buhay ang tumatahimik na mundo ng Reignland.

Bumuntong-hininga siya.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon