Kahit na ilang oras na ang nakalipas, hindi ko maalis sa isip ko ang mga matatalim na titig ni Natalia bago umalis ang binuo kong platoon na lulusob sa Pinkmustard.
"Kamahalan. Anong dahilan at Quaintrelle ang pangalan ng bayang ito?"
Well, it sounds good okay?! Kailan pa naging aware ang AI sa meaning ng pangalang ibinigay ng isang player? NPC lang siya!
No. Don't be stressed out dude. Hindi ko prayoridad ang mga NPC'ng to.
"Kamahalan, ilang oras nalang ay mararating na natin ang kapatagang kinaroroonan ng village," aniya ng heneral mula sa tabi ko.
Napahikab naman ako sabay tango.
"Kamusta ang apat na squad?" Tanong ko.
"Nasa puwesto na ang una at ikalawa samantalang mamaya pa makakarating ang ikatlo."
"At kasama natin ang ikaapat," dugtong ko.
Napalingon ako sa likuran kung saan kita ang limang mga sharpshooter na bitbit ang mga sariling riple at ilang mga sako.
Isa sa kanila ay si Nicollo na kasabay ko ding napahikab. Noong mapansin niya ako, kaswal siyang napasaludo sabay pakita ng isang perpektong ngiti.
"I badly want to bruise his face and unroot a tooth or two from that annoying smile."
Kunot-noo lang akong pinagmasdan ng katabi ko.
Hindi nagtagal, narating namin ang isang mataas na lugar na napaliligiran ng puno. Mula doon ay tanaw ang malawak na kapatagan kasama ang village na target kong makuha.
"Gen. Shos, address squad one as Clamours; squad two as Paladins; squad three as Harlequins; and squad four as Mavericks," utos ko.
"Mahirap tandaan at pangit sa tenga kung puro number lang," sagot ko nang akmang magtatanong siya.
Hindi naman na siya umimik at bumaba nalang sa kabayong kanina pa niya sinasakyan. Napababa din naman ako sa sarili kong sinasakyan.
[Congratulations, you have unlocked a new mastery (Horseback riding Lvl.1)]
"Maghanda ang lahat," wika ko sabay hingi ng telescope sa heneral. Nang sumilip ako, madali kong nakita ang mga nakatagong Clamours at Paladin sa gawing kanluran samantalang ang mga Harlequins naman sa gawing silangan. Bawat isa ay nakabantay sa mga labasan at pasukan ng village na may pader.
Pagkamasid ko sa pader, makikita ang mga NPC'ng may mahahabang tenga. Hindi ba divinity class ang may-ari ng lugar na to? Bakit may elves?
"Asintahin ang mga bantay sa pader," utos ko.
Napabulong ako. "Ruler's eye."
Pagkababa ng telescope, napansin ko ang pagbabago ng mga salitang nasa langit. Ang kaninang village ay naging town.
"Pinkmustard. Town 1."
Tsk.
"Fire!"
Sunod-sunod na narinig ang putok mula sa mga hawak na riple ng mga kasama kong sniper.
Habang abala sila sa muling paglalagay ng bala at pagkasa, kita mula sa kinatatayuan ko ang paglabas ng iba ko pang unit upang umatake.
Ang mga Clamours ay napalapit sabay asinta sa entrada habang ang mga Paladins naman ay humarap at sumangga sa iilang mga nagawang makalapit.
Sa bilis ng mga Elves na iyon, napaisip ako kung tama bang itinuloy ko ang atake.
Samantala, sa kabilang direksyon naman kung nasaan ang mga Harlequins, nanatiling tahimik ang paligid. Maya-maya lang mapupuno doon ng sigawan pagkasalubong sa kanila ng mga tumatakas.
"Asintahin ang mga guwardiya sa loob ng syudad!" Kalaunan kong utos nang maubos ang mga nasa pader.
Tila mga paputok sa bagong taon, nagpatuloy ang ingay sa paligid.
"Gen Shos, samahan mo ang Clamours at Paladin, tingin ko hindi nila kakayanin ang bugso," utos ko sa katabi ko nang makitang may mga mala-acrobatic na elf ang tumatalon at nakakasangga ng Paladins.
Hindi pa man siya tuluyang napapaalis, napasigaw ako ng "Takbo!"
All of a sudden, a volley of arrows hit our location.
"Damn."
Paano nila kami nakita?
Noong pagmasdan ko ang mga kasamahan ko, tatlo ang namimilipit dahil sa tama ng palaso sa katawan habang nasa likod naman ng puno sina Nicollo at ang isa pang Maverick.
"Ayos ka lang tanda?" Wala sa sarili kong naitanong habang iniinda ang palasong bumaon sa binti ko.
"Ayos lang bata," bawi niya.
"Tsupe, puntahan mo na ang Paladins at Clamours, kaya na namin dito." Mabilis din naman siyang tumalima.
"Maghiwa-hiwalay kayo ng pwesto, Nicollo, tulungan mo yung dalawang kritikal ang kondisyon." Utos ko habang paika-ikang tumayo at napalapit sa kabayo kong himalang nakaligtas.
"Incoming!"
Isa nanamang bagyo ng mga palaso ang bumagsak sa direksyon namin. Sa pagkakataong iyon ay natamaan na ang kabayo.
Sa gulat nito, nasipa pa ako nang ilang metro.
I questioningly looked at my HP that lost 40%. Napahawak din ako sa dibdib kong kumirot.
"Retreat! Humanap kayo ng ibang pwesto."
Kung pagbabasehan ang dami ng mga palasong iyon, higit pa ang dami nila sa inaakala ko. Gaano kadami ang sundalo ng isang town 1?
Kung ikukumpara sa dating Aschewartz na town 3, 98 na ang sundalo ko, gaano kadami ang sundalo ng lugar na to?
Hindi ko maintindihan yung variables ng larong to. Frontal attack is hopeless. Sana lang maintindihan yun ng heneral at maisipang mag-retreat.
"Pwede pa bang gamitin yung kabayo?" Halos wala na akong boses na maihinga.
"Sorry Prince Halleck, iniwan ka na ng kaibigan mo," aniya ni Nicollo at inalalayan ako.
"Nasaan ang iba?"
"Nagtago sa lilim."
Nang makapunta ako sa ligtas na bahagi kung saan makikita ang isang malaking batong pupwedeng pananggala, hinatak ko siya pababa at binulungan.
"The Harlequins are in danger, order them to retreat," wika ko.
Tinitigan niya pa ako nang parang nagtatanong.
"Gawin mo nalang."
As simple as that, binitawan ko na siya para hayaang umalis. Kaasar. Dapat ba kinausap ko manlang si Alex? Nangamusta?
Dapat ba nagopen-up ako sa kaniya para kahit paano mabigyan niya ako ng advise? This is hopeless.
Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa sa mundong to hangga't wala akong paraan para makabalik o masiguro kung anong mga nangyayari.
I killed them because I have no choice but to either live or die. Kung nagawa kong makapagdesisyon ng ganoon kalaki siguro naman kaya kong maging mag-isa.
Pinutol ko ang palasong nakabaon sa binti ko at gamit ang isang kutsilyo, pinutol ko ang manggas ko upang ipangtali doon.
[A requirement for First-aid mastery series is met 1/3]
Kailangan ko ng ligtas na pwesto kung saan pwedeng mag-snipe.
Damn. May naalala ako biglang quote ni Sun Tzu.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Научная фантастика"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...