Chapter 21: Tragedy Foreseen

95 19 0
                                    

"Leviathus." Pagkarinig ng pangalang iyon, napasuot ng bandanna si Skylar. Ayaw niyang subukin nang husto kung gaano kaepektibo ang disguise niya. Mas mabuti na ang nakakasigurado.

Maya-maya'y napasipol ang kaharap nilang lalaki. "River, pwede mo ba akong ipakilala sa kasama mo?"

"Kylar, siya si Kylar. Tinulungan niya akong makarating dito," tugon ni Veronica at naglambitin pa sa maliit na pigura ni Skylar.

"Kylar, siya naman si Leviathus, pinuno ng advance forces ng security council," pakilala ng dalaga sa kasalukuyan niyang mortal na kaaway.

Kinuha pa ng lalaki ang kamay niya at hinalikan ang mga ito. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang kimkimin ang hindi maisalitang pandidiri at pagkaasiwa.

Gusto niyang suntukin ang perpektong ngiti ni Leviathus. Isang pamilyar na pakiramdam.

"Pleasure to meet you dame Kylar."

Bilang tugon... Mali. Hindi siya tumugon. Sa halip, nagmasid ang tingin niya sa paligid.

"Sorry Levi, matutulog lang kami, buong gabi kaming naglakad eh," aniya ni Veronica.

.

--Avatar's-Window--

Name: Halleck
Class: Victorian
Title: Follower of Cain
Level: 3
Money: 667s and 547c tokens

Mastery:
>Fencing[Lvl.6]
>Shooting[Lvl.2]
>Horseback riding[Lvl.2]
>Sniping[Lvl.3]
>Improvising[Lvl.4]
>Chess King[Lvl.1]
>Pers....
(7 Mastery Series is on standby)

Skills:
>Ruler's eye[Lvl.2]

-----

.

.

.

Andalusia. Isang syudad na binubuo ng magkakadikit na sambahayang gawa sa stonebricks at maliliit na bakuran ng mga hayop tulad ng mga baboy at baka.

Malayong-malayo sa makikinis na gusali't, sementadong kalsada ng Quaintrelle, puno ng bitak ang syudad at pinapadungis ng maputik na kalsada ang paligid.

Hindi na kataka-taka para sa isang Town level 1 na teritoryo.

Sa kabila ng mga pagkakaiba, parehong abala ang mga mamamayan ng dalawang syudad.

Sa mga mapuputik na kalye at hangganan ng mga sambahayan, makikita ang magkahalong beastman NPCs at adventurer players na nagtutulungang bumuo ng palibot na pader at mga barikada.

Mukha mang normal na pagpapalakas lang ng depensa, sa isang tingin palang sa mga nagkalat na bangkay at nakatanim na krus sa mga burol sa 'di kalayuan, madaling maiintindihang walang ibang magagawa ang mga taga-rito kundi ang umasa sa mga tipak ng bato at pinatulis na mga balisong.

Habang inaabutan ng mga players ng armas ang mga beastman NPC, hindi mapigilan ng ibang mapatingin sa tatlong pigurang natatanaw nila mula sa burol sa kanluran, lampas lang ng ilog.

Dalawang lalaki at isang babaeng mayroong ginintuang buhok- pare-parehong lulan ng kulay abong kabayo.

Nakadamit man ng tunic at bistidang tulad ng mga human NPC, todo ang pagtataka ng mga players dahil sa mga nakasabit na mahahabang baril sa gilid ng mga kabayo.

Sa kabila ng mga titig ng nakapaligid, dumiretso ang tatlo papasok ng syudad. Wala manlang ni isang nagtangkang humarang sa kanila dahil wala ang ruler ng teritoryo.

Rinig ang wisik ng putik hanggang sa makarating sila sa isang masikip na eskinita. Mula doon, kitang naghihintay sa kanila ang isang babaeng may balat na kasing puti ng papel, may mahabang buhok na sing dilim ng gabi, at may mga matang ginuntuan.

Kita ang paghanga sa mga mata ni Natalia. Hindi maipagkakailang kamukha siya ng prinsipe.

"Magandang umaga Kapitan Natalia." Bati ni Skylar nang walang bahid ng emosyon.

Sa ilalim ng seryosong tugon na yon ay ang pag-aalala niya sa mga nangyayari.

Ang simpleng pagpapatahimik lang sa taong lumusob sa teritoryo niya ay masasabayan pa ng hindi inaasahang subjugation mula sa security council

Pumapatay ng non-human class, isang genocidal freak. Ano mang mangyari, uunahan niya ang guild na iyon sa pagpaparusa.


.

.

.

Sa pagsapit ng gabi, napasinghap siya sa preskong hangin mula sa mga burol.

Sa simpleng pagmamasid lang sa dis-organisadong paligid, alam niya kung anong trahedya ang kahahantungan ng Andalusia.

"Kylar, may problema ba?" Tanong sa kaniya ni Veronica habang pareho silang nasa labas ng bagong gawang pader--- kasama ng karamihan ng mga tagapagdepensa.

"I just have a bad premonition," aniya.

"Tungkol saan?"

Napabunot siya sa mahabang rifle sa likuran. "Bukas ng umaga, mabubura ang Andalusia sa mapa."

Umulit-ulit ang mga katagang iyon sa isip ng dalaga. Isang masamang biro.

Hindi naglaon, balot na ng inis si Veronica dahil sa negatibong pag-iisip ni Skylar. "Bakit naman?"

Napailing lang siya at hindi na ito sinagot. Wala din siyang imik na iniwan ang dalaga upang bumalik sa loob ng mga pader.

"By the way. Salamat sa party invitation. Nag-enjoy ako."

[You left the party.]

Nilakad niya nang mag-isa ang kalye ng Andalusia habang mas papalalim ang gabi. Naglakad siya lampas ng mga iskinita at sa muling paglabas sa dilim, suot niya na ang unipormeng nagpaparamdam sa kaniya ng tamis ng dangal.

[Shape-shifting effects expired.]

Hindi nagtagal, nakarinig siya ng mga alulong, sigawan at pagsabog.

"Prinsipe Skylar, handa na ang kabayo ninyo," bungad sa kaniya ni Natalia na matipid niyang tinanguan.

"Kamahalan, pupwede bang magtanong?"

"Ano yun?"

"Paano niyo nahulaan ang mga mangyayari?" Tanong sa kaniya ni Natalia.

Napangiti lang siya sabay lingon sa mga kalyeng napupuno na ng mga mage.

"Wala ka bang natutunan sa pagbabantay mo sa Pinkmustard? Nung nasa labas ng pader ang mga kalaban, anong ginawa mo?"

"Pero paano niyo nalamang puno na ng kalaban ang syudad?" Nalilitong dagdag sa kaniya ni Natalia.

"Katulad lang ng kung paano ka nakapasok. Sadyang walang common sense ang ruler ng Andalusia." Aniya.

Hindi pa man nagsisimula ang paglusob, nasakop na ng mga kalaban ang syudad. Hindi niya naisip na pupwede din ang disguise sa isang invading force.

Maya-maya, pinatakbo na nila ang mga kabayo sa kabilang direksyon malapit sa tambak ng mga sobrang stone blocks na ginamit sa pader.

"Hiyah!"

Kasunod ng tagitik ng yapak ng mga kabayo, pawang lumipad sa hangin ang apat nang mapatalon nang mataas ang mga kabayo palabas ng pader.

"Experiencing this tragic event myself almost killed your father. I hope the Andalusians at least survive."

Pagkarinig sa hindi ganoon katahimik na bulong ng prinsipe, napalingon si Natalia pabalik sa nagaapoy na syudad.

"Anti-fire spells bilisan ninyo!"

"Buff the front mga support mages!"

"Arghh!!!!"

"Healers!"

"Retreat! Fire your f*cking arrows!"

Napailing lang si Natalia. "Hiling ko din."

Lingid sa kaalaman nila, sinusundan na sila ng isang nakabaluting player.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon