Habang nakatayo sa lupaing pinupuno ng malabundok na mga bangkay, tinatanaw ng isang lalaking balot ng dugo ang tanawin ng mga nagliliyab at unti-unting naglalahong katawan.
Bagsak ang mga balikat niya at namumula ang mga basang mata. Balot din ng hiwa at saksak ang katawan niya habang pasimple siyang pinapatay ng malaking sugat sa dibdib.
[You won the War!]
[Congratulations! You acquired the "Last Stand" achievement!]
Mga nagpapatawang virtual screens. Anong halaga ng mga ito kung ang sarili niyang mga kaibigan...
[Your kingdom is destroyed.]
[Due to the lack of members, your "Needle Clause" guild was dissolved.]
Ay wala na.
Tila sinasabayan siya, bumuhos ang malakas na ulan. Bawat pixel, ramdam niya ang lamig. Ramdam niya ang panghihilom sa mga sugat... at ang nakakapag-pakalma nitong lagaslas.
Sa kabila ng kawalan sa kaibuturan ng sikmura niya, humakbang siya paabante. Sa bawat tapak, mga bangkay ng malamultong pagpitik ng kulay at imahe ang natatapakan niya.
Dapat siyang magpasalamat dahil sa tulong ng artipisyal at malakas na buhos ng ulan, napalitan ng usok ang mga apoy at natakpan ng malalakas na kulog ang malapot na tunog ng dugo.
"Kelexto," tinig ng isang babae.
Dahil dito mailap siyang napayuko sabay pagbabagong anyo bilang isang mabalahibo at malaking werewolf.
Napalinga-linga pa siya sa paligid ngunit natatakpan ang mga pandama niya ng magkakahalong lansa at presko ng ulan at dilim at tagaktak ng tubig.
Nang mapaalulong siya, nagyelo sa ere ang butil ng ulan. Nakita niya sa hindi kalayuan ang apat na pigura ng mga pamilyar na muka habang pinapangunahan ng isang babaeng may suot na puting roba.
"River?" Basa niya sa pangalan nito.
At sa isang iglap muling nagpatuloy ang oras.
"Anong kailangan niyo?" Aniya sa malalim at magaspang na boses habang muli nanamang nagpapalit anyo.
Napalapit naman ang grupo sa kaniya at nag-alok ng isang teleportation scroll.
"Kailangan ka namin sa security council. Kailangan namin ang lahat ng beta players para makalabas sa larong 'to." Tugon ng isang lalaki na pinakitaan niya lang ng pangil.
"Isinakripisyo ko ang lahat para mabalik sa kaayusan ang teritoryong ito— na dapat ay trabaho niyo. Isa lang kayong depektibong international guild. Pasensya na pero hindi ako makakatulong." Aniya na mabilis na ikinasalubong ng kilay ng mga kausap niya.
Napahigpit ang hawak ng dalawang lalaki sa kani-kanilang armas samantalang napahakbang naman paabante ang dalawa pa sa isang mapanghamong estansa.
Mabuti nalang at nasakto ang pagpapakita ng isang announcement.
[Halloween event triggered]
Napatitig ang lahat sa isa't-isa dahil sa pagtataka. Halloween event sa gitna ng August?
"It's starting," komento ni River na pinanliitan ng mata ni Alex.
"Ang alin?"
Napataas pa ng kamay ang dalaga at cast ng magic circle bago sumagot. "Ang players ng southern continent, natuklasan nila ang paraan para kontrolin ang laro."
Akmang magtatanong pa sana siya ngunit nagliwanag ang paligid kasabay ng pagkabuo ng spell...
-
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...