Chapter 22: Martsa

81 17 0
                                    

"Ilag!" Sigaw ni Natalia bago mapadausdos nang natisod ang sinasakyang kabayo sa pagbagsak ng isang malaking anino. Hindi nagtagal naliwanagan ng dala nilang gasera ang misteryosong pigura.

Habang hawak ang malaking shield at broadsword, at balot ng makintab na baluti at pulang aura, matalim na nakatitig sa kanila ang itinuturing na espada ng konseho ng mga players. Leviathus, the White Knight.

"I knew your behind all of these killings," anito nang mas masama ang tingin kay Skylar.

Walang ano-ano, napakasa sina Skylar sabay paputok ng baril.

"Great Fortress!" Cast naman ng skill ni Leviathus na nagpaliwanag sa hawak nitong shield. Pagkatama ng mga bala, parang mga bola lang itong tumalbog.

"Natalia sakay!" Utos ni Skylar.

Nang makasampa ang dalaga sa kabayo niya, siya namang palusong na pagsugod sa kanila ni Leviathus. "Shield bash!!!"

Buti nalang at nakaabang na si Skylar. Napuno niya ng pulbura ang dulo ng riple at pinaputok ito. Sa kabila ng taas ng level ni Leviathus, na-cancel ang skill nito sa tulong ng improvise mastery niya.

[Improvise mastery (Lvl.2)]
[Improvisation speed increased by 10%]

"Asinta!" Utos ni Natalia sa kasamang mga Harlequins. Kasunod noon ay ang pagtama ng dalawang magkasunod na putok sa likuran ni Leviathus.

"Guh-" impit na daing nalang ng kabalyero dahil sa sakit. "Ruptured blow!" Bawi pa nito ng atake at inihampas ang espada sa lupa. Nagdulot iyon ng pagyanig at maya-maya lang, pare-pareho na silang nahulog mula sa mga kabayo.

"Shoot his elbows!" Sigaw ni Skylar habang nakahiga at puno na ng gasgas. Noong makabawi, siya na mismo ang bumaril.

Dahil sa distansya, napaharang nalang ng pananggala si Leviathus. Sa magkakasunod at walang humpay na tama ng bala, tuluyang naubos ang mana niya. "Hindi ko maintindihan. Anong napapala niyo sa pagpatay?" Anito.

"Mga p*utang inang mamamatay tao. Ano?... Anong gusto niyong mangyari sa buhay niyo?"

Hindi nagtagal, kumalampag ang pagbagsak ng duguan nitong katawan nang tumagos ang mga balang pilit nitong pinipigilan.

.

.

.

Sa pagsapit ng ika-labing isang araw sa loob ng laro, narinig ang kauna-unahang deklarasyon ng giyera. Nagliwanag ang mga kalangitan ng bawat syudad sa gitnang kontinente.

Ang deklarasyon ng giyera ng Aschewartz ay nasaksihan ng lahat. Puno ng kritisismo at pagkutya. Kahihiyan mang ituring ng lahat, ito ang ipinagmamalaking likha ni Skylar.

"FORWARD! MARCH!" Umaalingawngaw ang tinig ni Heneral Shostakovich habang sakay ng isang kabayo't katabi si Skylar.

"BUGA!"

Sa kumpas ng isang tambol, nagsimulang kumanta ang tatlong daang sundalong nagmamartsa palabas ng masisikip na kalye ng Quaintrelle.

Nakasabit sa kanila ang mahahabang kalibre ng baril habang pawang mga pagong na suot ang mga naglalakihang bag. Sa magkabilang tagiliran ay mga bala, pistol, at mga espadang minadali ang pagkakagawa.

Sa kung paanong paraan sila nakaipon ng mga armas, walang nakakaalam o malinaw na eksplenasyon.

"AschewartZIAN! LUPANG SIniLAngan~"

"Bayang iingaTAN! MATUPOK MA'Y LALAban~"

Sa bawat pagtaas ng nota, napapahawak sa dibdib ang mga mamamayang nakatanaw mula sa kanilang mga bintana. Kasabay ng tambol ay tibok ng mga taong nakaabang sa papaalis na hukbo.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon