A/n: Thank you very much kina MARKBITAGO9 at runrun77 . Kung di dahil sa support niyo siguro di ako nakapag-daily update hahaha. Plano ko lang talagang weekends pero sinipag so yeah. Salamat guys.Enjoy Reading :>
~~•~~
[Shape-shifting effect will expire in 23 minutes 08 seconds]
Kaagad kong inilapag sa isang tabi ang bitbit ko pagkabalik sa trono.
Taliwas sa sigla at liwanag ng pinanggalingan ko, madilim at walang katiting ng ingay ang maririnig sa throne room habang kita ko ang nagmamasid na buwan mula sa bintana.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga pagkakataong gabi na akong nakakauwi ng bahay galing school.
"Shape-shifting vial," basa ko sa hologram ng mga kulay lilang vial na mula kay Alex. I shouldn't depend on these.
Habang nakaluhod at kinakalkal ang laman ng bag, may mahihinang sigawan akong narinig sa labas.
"Sa palasyo! Bilisan ninyo!"
Hindi na kailangan pa ng pagdadalawang-isip para mapagtantong may kung anong nangyayari.
Walang pag-aatubili kong iniwan ang bag sabay bitbit ng espada't riple para puntahan ang direksyon ng pinanggagalingan ng ingay.
Rinig ko ang palakas na ingay mula sa mga yapak, sigawan at tilian habang palapit ako sa entrada ng palasyo.
Nang tuluyan iyong marating, dagsa ng mga sibilyan ang sumalubong sa akin habang inaalalayan sila ng mga sundalong puros galos at may iba't-ibang hiwa sa katawan.
Nakita ko pa nga ang pag-alalay ng iba sa isang naputulan ng braso.
Nakarinig ako ng iyak mula sa mga babae't bata habang mga galit na hinanakit naman mula sa mga lalaki.
Mula sa nakabukas ng mga pintuan ng palasyo, tanaw ko ang mga nagkalat na apoy sa mga kalyeng konektado sa plaza.
"Hindi..."
I panicked and tightly gripped my rifle.
"Nasaan si Count Pale at Heneral Shostakovich?!" Tanong ko sa mga sundalo habang nagbababad sa mga kunot-noo nilang itsura.
Nang hindi ako nakarinig ng sagot, nagmamadali kong sinalubong ang mga nagdadagsaang tao upang makalabas at alamin ang mga nangyayari.
"Sa palasyo! Bilisan ninyo!" Mga paulit-ulit na salitang naririnig ko mula sa mga sundalo habang inaalalayan ang mga nagsisitakbuhang sibilyan.
Maya-maya lang, nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak mula sa mga kabayo.
"Barbaro!" Paos na sigaw ng isang lalaki na sinundan pa ng tili ng isang babae.
Pagkalingon ko sa direksyon niya, kita ko kung paano siya hapong-hapong tumatakbo habang may kabalyerong nakasakay sa kabayo ang humahabol sa kaniya.
Natuod ako ngunit noong makita kung paano walang awang nagwasiwas ng espada at pinugutan siya ng kabalyero, bumalik ako sa reyalidad ng mga kasalukuyang nangyayari.
Napatayo akong tuwid sabay kasa ng hawak na baril. Pagkatutok sa walang takip na ulo nito, kinalabit ko ang gatilyo na naging dahilan ng mabilis niyang pagbagsak.
"Mga duwag na sundalo ng Aschewartz! Hindi na ba kayo nahiya? Protektahan ang mga sibilyan!" Sigaw ko habang iniinda ang sakit ng balikat ko dahil sa lakas ng kickback ng baril.
Hindi ko sana poproblemahin ang sakit na iyon kung komportable lang akong gamit ang normal kong katawan. Wait, is the reason the soldiers are giving me wierd looks is because I look like the female version of me?
Binalewala ko nalang iyon at nagpatuloy sa pagtakbo palusong sa mga nagaapoy na kalye. Ang kaibahan lang ng pagkakataong iyon ay may naririnig na akong putok ng baril kahalo ng pagngingitngit ng apoy.
Nang makakita ako ng isa nanamang nakakabayo, kaagad ko siyang binaril upang nakawin ang kabayong gamit niya.
"Hiyah!"
I can see it. The extent of the damage. Bukod sa mga sirang establishimento, kita ko din ang mga nakahandusay na katawan ng mga sundalo't sibilyan ko.
Karamihan ay may mga taga at saksak habang ang iilan naman ay sunog.
"—cast upon thee earth, Fireballs!"
Biglaan akong napatalon mula sa kabayo nang may limang bolang apoy ang bumagsak sa direksyon ko. Nalapnos ang kanang paa ko ngunit mas maigi na iyon kaysa sa kabayong naluto nang buhay.
Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng mga iyon, nakita ko ang limang lalaking nakasuot ng robe habang may tatlong mga nakabaluting kabalyero ang nasa harapan nila.
"HAAAAHH!" Pasigaw na sumugod ang isa at ambang sasaksakin ako ng espada ngunit mabilis kong nabunot ang rapier upang masangga siya.
Sabay pa kaming napaatras bago ako sunggaban ng dalawa pa. Dahil doon, nakakita ako ng opening at madali ko silang natuhog sa siko't leeg na 'di natatakpan ng armor.
Nalunod ang isa sa sarili niyang dugo habang namilipit naman ang isa pa. Pagkaabante ng isa pa, tinadyakan ko siya upang magkaroon kami ng distansya bago ako mapabunot ng rifle sabay kasa't kalabit ng gatilyo.
Hindi ako magsasawa sa malakas na putok ng baril.
Sandali akong nakahingang maluwag ngunit mabilis ding napaayos ng postura nang marinig ang muling pag-cast ng fireball ng mga mage.
Muli ay ikinasa ko ang baril at umasinta. Pagkakalabit sa baril, nanlumo ako nang marinig ang mahinang "click".
Wala na akong bala.
Napaigting ang mga panga ko kasabay ng muli kong pagbunot ng rapier mula sa bewang ko. Handa na akong lumusob ngunit dahil sa isang kakaibang timing, napahinto ako mula sa pagtakbo.
Limang sunod-sunod na putok ang narinig ko at nakitang patihayang natumba ang mga mage.
"Wooh! Angas! Aren't I awesome Mavericks?" Rinig kong boses mula sa likod ko. Nang silipin ko siya mula sa balikat ko, kita ko ang nakangising mukha ni Nicollo.
Talking about timing...
"Mas maganda yung asinta ko kaysa sayo. Anong sinasabi mo?"
"Liam, kung makapagyabang ka parang umasinta ka nang nakasakay sa kabayo ahh."
"Ibig sabihin ginagamit ko utak ko. Bakit ako aasinta nang nakasakay sa kabayo?"
"Wag na kayong mag-away, di pa tayo tapos sa trabaho."
Sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Miss, saang dibisyon ka?" Tanong ni Nicollo sa malumanay na boses.
Napaismid ako. "Nasaan ang heneral at si Count Pale? Anong nangyayari sa Quaintrelle?"
Imbes na bigyan ng sagot wirdo nila akong tinitigan. Muli na sana ako tatakbo paalis kung hindi lang dahil kay Nicollo.
"Hukbo ng nasa dalawang daan ang walang pasabing sumunog sa Quaintrelle. Sinubukan namin silang pigilan pero meron sa kanilang nakakapagpaapoy gamit lang ang salita at mga may shield na hindi tinatablan ng bala."
"Ang heneral?" Kita ko ang pagdadalawang-isip niya bago ako sagutin.
"Malubha ang kalagayan ng heneral at hindi pa namin nakikita ang prinsipe't count Pale. Nagkakagulo na ang mga sundalo."
Pagkarinig ng mga katagang iyon, mas lalong nagdilim lang ang paningin ko.
"Utusan ang lahat na magsama-sama. Gusto nila ng massacre? Then I'll give it to them."
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...