Chapter 12: Harlequin

142 23 3
                                    

Mataman kong tinitigan ang kaibuturan ng kaluluwa niya sa pagbabakasakaling mararamdaman niya kung gaano ko kagustong magliyab ang buong paligid dahil sa inis.

Nagsisi lang ako dahil imbes na pansinin manlang, disinteresante niya lang akong pinagmasdan bago siya magpatuloy kasama ang mga sundalong dapat ay kasama ko din.

Iniwan niya ako.

Pagkakita sa papalayo nilang mga likod, nagising ako sa katotohanan nang parang sinampal ng nagyeyelong tubig.

"No..."

Napasimangot ako, napatalikod, sabay sakay sa karwaheng magdadala sa akin pabalik ng mansyon.

"Ilya," yakap ko sa kaibigan kong nasa loob ng karwahe.

"Iniwan nila ako," simula ko bago magpatuloy sa pagsusumbong. Mula sa hindi nila pagpansin sa mga ginawa ko noong unang beses kong makita ang mga goblin hanggang sa hindi pagpayag sa akin ng prinsipe na makasama sa ekspedisyong ito.

Nang mapatingala ako sa kaniya, napanganga nalang ako pagkakitang kanina pa pala niya tinatakpan ang mga tenga.

"Listen." Utos ko.

Kaswal lamang siyang napatanggal ng daliri sa tenga bago ako pinanliitan ng tingin. "Lady Pale, paumanhin ngunit pupwede niyo bang itigil ang kadaldalan niyo?"

Shut up in short.

Mas lumala lang ang simangot ko.

Ilya, magmula noong mamatay ang dati kong katulong, siya na ang tumulong na magalaga sa akin. Sa kaniya ko natutunan ang karamihan ng mga dapat matutunan bilang anak ng isang count.

Bagamat mas matanda lang sa akin ng dalawang taon, umaakto siyang parang kasing-tanda ni ginoong Kristof.

Hindi ko siya masisi kung bakit rindi na siya sa tuwing magrereklamo ako. Sa kaniya lang ako komportableng nakakapaglabas ng sama ng loob.

Hindi ko lang matanggap ang kasalukuyang sama ng mga titig niya sa akin ngayon.

I sigh.

"Okay."

Napuno na ng katahimikan ang biyahe matapos non.

Ang mga segundo ay naging minuto hanggang sa maging oras. Kalaunan, makikita na ako sa loob ng mansyon habang nakayukong inaalis sa pagkakatali ang isang kabayo.

I was grinning.

I managed to escape with my soldier's attire, a rifle, some bullets, and a sword.

"Lady Pale!" Rinig ko pang boses ni Ilya habang hinahanap ako sa bakuran ng mansyon.

Saka lang niya ako napansin nang makasakay na ako sa kabayo. "Hiyah!"

Hindi nagtagal nakatakas ako ng mansyon patungo sa direksyon ng kasiyahan. Pinkmustard...

----------

Natalia's PoV

----------

Taliwas sa inaasahan kong magandang bungad, higit na mas tahimik ang paligid. Tanaw ko mula sa di kalayuan ang mga nakapwestong sundalo habang nagmamadali akong umikot patungo sa isa pang lokasyon.

Laking pasasalamat ko nang nagbunga ang pakikinig ko sa pangiinggit ni Nico.

Kung hindi dahil sa kaniya, siguro ay wala akong kaalam-alam sa mangyayaring pananakop na ito.

Maya-maya, nakarinig ako ng limang sunod-sunod na putok. Napahawak pa ako nang mahigpit sa rapier sabay maingat na lingon sa paligid.

Matapos makalampas sa paanan ng isang burol, isang bugso ng mga palaso ang natanaw kong papabagsak ilang dipa lang mula sa pinanggalingan ko.

Sandaling natigil ang mga putok ngunit kaagad din namang sinundan nang makita ko ang mga sundalong Aschewartzian na nasa entrada ng isang walled city sa kapatagan.

Kung tama ang hinala ko, iyon ang tintawag na Pinkmustard ni Nico.

"Lady Pale?!"

"Huh?"

I wondered then pulled the horse to a halt. Tsaka ko nakita ang grupo ng limang sundalong kakalabas lang mula sa iba't-ibang direksyon.

Ang ilan ay nasa itaas o kaya'y likod ng puno habang nakatago sa isang talahiban at nakadapa sa damuhan ang dalawa pa.

"Pinapunta ako ng prinsipe." Pagsisinungaling ko. Mukha namang kumbinsido sila nang makita kong nagsibalikan sila sa pwesto.

So...

Anong gagawin namin?

Bakit sila nakapwesto kung saan-saan?

Napakamot ako sa ulo sabay kasa ng rifle. Nang pagmasdan ko ang direksyong tinututukan nila, napansin ko ang pagbubukas ng isang maliit na gate habang may mga nagmamadaling taong lumalabas.

Kapansin-pansin ang tingkad ng mga kasuotan nila, malapapel na kutis at mahahabang tenga.

Hindi naglaon, lumabas na din mula doon ang mistulang mga kawal ng lugar na mayroong bitbit na mga espada't pana habang suot ang mga may pinturang leather armor garments.

Should we shoot them?

Para bang naintindihan ang tanong ko, nagsimulang magpaputok ang mga kasamahan ko.

Hindi na din ako nagsayang pa ng oras para patumbahin ang mga armadong kalaban.

Shots after shots were fired. Kung pagbabasehan lang ang kulubot sa mukha ng mga iyon, mababakas ang gulat nila.

Nagtagal kami nang ganoon. Dahil tago ang pwesto namin dahil sa sukal ng Bloodmist woods, walang ibang nagawa ang mga ito kundi ang bumalik sa loob ng bayan.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. "Let's chase them."

Bagamat alangan, walang ibang nagawa ang mga kasama ko kundi ang sundan ako nang makitang napatakbo na ako sa entrada.

"Cover fire!" Sigaw ko. Nang may isang katawang bumagsak mula sa pader at nagsitumbahan ang mga guwardiya ng entrada, napangiti nalang ako sabay bunot ng espada.

I dashed then stab one of the strange settler. Kita ko pa kung paano niya ako akmang sasaksakin ng kutsilyo bago siya malagutan ng hininga.

Sa ganitong paraan, nagawa naming makapasok ng Pinkmustard.

Sa itaas ng isang tore sa mismong pader, mas madali naming natanaw ang kabuuan ng nangyayaring paglusob.

Pahina man nang pahina ang tunog ng mga putok sa kabilang direksyon, patuloy ang ingay sa kinaroonan namin.

Napapaubo pa ako sa usok ng pulburang pumupuno sa tore habang kasama ko ang dalawa sa pinaka-asintado sa amin.

Ang kabuuan ng Pinkmustard na karamihan mga bahay na gawa sa kahoy at bloke ng bato ang atraksyon, ay pinuno na din ng mga nakahandusay na katawan ng mga sundalong sugatan- kung hindi man patay.

Sa kung anong dahilan, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Pakiramdam na hindi ko nadama noong pumatay ako ng goblins.

Nakarinig ako ng iyak ng sanggol. Nang sundan ko ang ingay, tanaw ko ang mag-inang pilit na binubuhat at nililigtas ang isa sa mga armadong residente ng lugar na ito.

Mataman akong napamasid. Ilang sandali lang, napahandusay ang tatlo kasabay ng pagkalat sa semento ng dugo mula sa ulo ng babae.

I winced then angrily look at the one beside me.

"Hindi natin kailangang patayin ang mga sibilyan!" Sigaw ko.

"Ngunit hindi ako yon Lady Pale," aniya.

Nang muli kong marinig ang isang malakas na putok, napalingon ako sa isang burol sa 'di kalayuan.

Malayo man, sapat nang makita ko ang pigurang ilang araw ko ding pinagnasahan para makilala kung sino iyon.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon