Chapter 29: Sink

63 11 1
                                    

"Nah. That's dumb. A big no no. Kung gusto niyong dumami ang working class, edi magdagdag kayo ng privilege," salumbaba ni Daisy habang magkalingkis parin ang dalawang kamay gamit ang manipis na lubid.

Kasalukuyan niyang kausap ang dating count ng Quaintrelle, Duke Pale of Dagger.

"Hayst. Dumby dumb NPC. Paano ka napalevel ng Skylar na yun?" Kaswal na pangiinsulto pa ng dalaga habang napalilibutan siya ng dalawang nakatiim bagang na matanda.

Kung hindi lang dahil sa bilin ni Skylar, siguro ay kanina pa siya nakahilata at nangingisay-ngisay sa sahig. Imposibleng patayin siya ng isang "official" type citizen NPC. Wala silang free will. Sa oras na magbigay ng utos ang ruler classes, wala silang ibang magagawa kung hindi ang sumunod.

----------
Nation: Aschewartz[32,481 residents]
Settlements: 14
Capital: Quaintrelle[6,958 residents]

Type: Victorian
Level: Principality
Designated Fund: 14 diadem
Revenue: 17d 2g 501s 3280 copper

Officials: 23
Soldiers: 3,790
Civilians: 28,668

Status:
>Loyalty[84%]
>Satisfaction[81%]
>Influence[1%]
----------

"Sabi nila mas higher ang intelligence ng AI na victorian NPC. May suggestion ba kayo?" Kalaunang tanong ni Daisy pagkabasa ng mga status window ng Aschewartz.

Napangiti pa siya nang makita ang negative 3,175 RP points niya.

"Dahil karamihan ng mga citizen ay nasa Quaintrelle, plano naming magdagdag ng pupwedeng trabaho para sa lahat katulad na lamang ng blacksmithing—"

"Dumbbb!!! Hindi niyo pwedeng i-concentrate sa capital lahat ng trabaho, 'di ka ba nakiking?"

"Matuto kang magbigay ng respeto o kakaladkarin kita palabas ng opisinang 'to!"

"Wala akong paki kahit barilin mo pa ko lolo!"

"Anong sabi mo?!!"

"Sabi ko wala akong paki sa isang virgin na lolo!"

-

-

-

"I'm dying," aniya ng isang lalaking nakasuot ng lab gown habang paulit-ulit na hinahampas ang galamay na sumasakal sa barko.

"Tabi!" Kalaunang sigaw ni Natalia bago pihitin ang kanyong nakatirik sa gilid ng barko. Tinulungan pa siya ng ilang sundalo para lang maikot iyon.

Pagkasindi, umalingawngaw ang sabog. Mabilis ding napabitaw ang Kraken at napahampas gamit ng isa pang galamay.

Bagamat napapaubo pa sa alikabok ng pulburang humalo sa hangin, hinatak ni Natalia paalis sa papalubog na barko ang kasamang sundalo. Samantalang nagpadulas naman si Millard sa nakalubog na harapan.

Clang...

Nanginig ang karagatan dulot ng solidong pagkakahampas sa barko. Hindi na din mabilang ang dami ng mga naglalakihang alon dulot ng pagtatampisaw ng higanteng pugita.

Habang nakikipaglaban sa hampas ng tubig, nakita ni Natalia ang naidulot ng kapabayaan niya.

Tanaw niya ang paglubog ng maringal na barkong metal kasabay ng pagtatago ng araw at pagdidilim ng kalangitan. Tanaw niya ang mga aninong namimilipit sa mga galamay bago maipit o kaya'y mahati sa dalawa.

Nangangatal siya sa ginaw ng hangin at ng dagat na kahalo ng maligamgam na dugo.

Noong naramdaman ang pagpalibot ng mga galamay sa binti, wala siyang ibang nagawa kundi ang magpaubaya.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon