Umalingawngaw ang paligid at nalanghap ko ang amoy ng gunpowder bago ako mapalipat ng pwesto.
Although the rustle of the bushes caused by me concerns me, nagpatuloy ako.
"Hillary?!" Rinig kong sigaw ng kasamahan niya na disoriented at nagmamadaling bumaba.
Noong mapansin ko na walang sumagot sa kaniya, napahinto ako sa pagtakbo sabay lingon sa kanila dahil sa pagkalito.
"Hey!" Ulit ng kasama niya na nag-cast ng kulay dilaw na barrier bago siya i-heal. It illuminated the surroundings.
Wala paring sumagot sa kaniya. Akmang lalabas na ako para makumpirma kung anong nangyari nang makita ko ang dalawang notification kasunod ang malakas na announcement mula sa langit.
--Notification--
You have slain an Ancient ruler, the Divinity class Aryhill of Pinkmustard nation!
Rewards:
>826s tokens
>+3 Influence
>Map of Pinkmustard nation--First-Blood--
Congratulations!
You are the first ruler to kill another player! For completing the launch date hidden event, you have been granted a title and 1 diadem!
Rewards:
>Follower of Cain entitlement
[Passive: Predator- ten minutes after killing a player, full health will be restored (cooldown: 10 hours)]
>1 diadem--
A big "WORLD ANNOUNCEMENT" is plastered in the sky followed by the voice of the system.
"First Blood event finished! Congratulations your highness Prince Halleck for completing the launch date hidden event!"
"Victorian class Halleck of Aschewartz nation slayed the Divinity class Aryhill of the Pinkmustard nation. In honor of their tenacious battle, every ruler of the central continent will be given 3 gold tokens."
Pagkatapos noon ay nag-play sa kalangitan ang isang video mula sa perspective ko bago ang announcement. Halatang hindi angkop ang salitang tenacious sa nangyari.
Hindi ko na napansin, kanina pa ako nakanganga dahil sa gulat.
Well, hindi ba dapat?
I won an event. I got 3 golds and a Diadem...
I one shotted a Divinity class.
Isang mapaglarong ngisi ang di ko napigilang matago.
Napababa ako ng tingin kalaunan. Pabalik sa kasamahan ng napatay kong babae. Balot parin ng ginintuang liwanag ang kinaroroonan niya taliwas sa purong kadiliman ng kakahuyan. Sa kabila ng dilim dulot ng maulap na langit, alam kong natunton niya na ang pigura ko.
"Kernel shot!" Sigaw niya. Napadapa nalang ako para makailag sa manipis na liwanag na nagmula sa daliri niya.
Nang tingnan ko ang pinanggalingan ko, nagaapoy na ang mga nakapaligid doong halaman.
"Lumina!" Dagdag niya pa na dahilan ng biglaang pagliwanag ng paligid.
I'm caught.
Pagkakita niya sa akin, kasabay kong ikinasa ang hawak kong baril bago mapatutok sa ulo niya. Sa bilis ng tibok ng puso ko hindi ko nagawang maasinta siya nang tama.
"Kernel Shot!"
Pareho kaming napahandusay. Siya, dahil natamaan ko ang balikat niya at ako, dahil sa pagkakagasgas ng skill niya sa kanang pisngi ko. Just from that attack, napagtanto kong skilled player siya.
"Golden Bulwark!" Cast niya ulit ng barrier na nasira ng bala.
Napatayo naman ako sabay takbo habang napapadama pa sa napaso kong pisngi. Pagkatago ko sa likod ng isang puno, muli akong napakasa ng rifle at lingon sa lokasyon niya.
Sakto namang nagi-skill na siya sa direksyon ko kaya napatalon ako palayo sa tinataguan ko.
"Urgh..." I grunted. My arms and knees were bruised. My HP dropped to 10 percent.
[Your current HP impairs your movement. Your Stamina is halved. Your senses are impaired]
"Well, isn't obvious?" Buntong ko sa system habang nakadapa ako. Mabilis din naman akong tumihaya para bumawi ng putok.
Muli, nabasag ang barrier niya nang parang salamin ngunit nakailag siya. Ginamit ko yong pagkakataon para muling tumakbo.
"Golden Bulwark!" Aniya.
Taliwas sa inaakala kong intensyon niya, ginamit niya ang skill na yon para maikulong ako. Wala ba siyang cooldown?!
"Kernel Shot!"
Ilang pulgada bago ako matamaan, siyang nawala ang barrier para matamaan ako. Kulang man ako sa oras, nagawa ko paring makaligtas sa maikling panahon na yon.
Nakailag ako palihis ngunit sa kasamaang palad, natamaan ang hawak kong baril.
Wala akong ibang nagawa kundi tiim bagang na matulala. Tulala sa kawalan habang unti-unting nagdi-dematerialize ang huling armas ko.
Kung may skill lang ako. Kung may espada lang ako. Hindi sana ako matatalo sa labang to. This sucks, todo invest pa naman ako para sa unang araw ko.
Narinig ko ang dahan-dahan niyang yapak sa tulong ng mga tuyong dahon. I'm surprised na naririnig ko pa yon sa kabila ng impairment.
"Kernel.." rinig kong pagsisimula niyang muli ng cast. Napapikit nalang ako sa kamalasan ko. Gaano katagal kaya ang death penalty?
"Shot."
Hah.
Hahaha.
I heard a swoosh. Then I faded deep into the darkness. Into the void. An endless abyss with the drowning sound of silence.
Hindi ko manlang natapos ang unang araw ko. Ilang in-game hours nalang.
A game can't even accept my existence.
This is discouraging. Pretty discouraging.
.
.
.
.
.
"Welcome. Players of the whole of Reignland." A serious tone spoke.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ciencia Ficción"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...