Chapter 10: Mga Pangalan

149 28 1
                                    

I'm a mess. Nababasa ko sa mga mata nila. Nang naglakbay ang mga tingin nila sa paligid, nakaramdam ako ng emosyong hindi ko maintindihan. Pinaghalong galit at hiya? Takot at pandidiri? Hindi ko maintindihan.

"Let's go."

Nasabi ko nang hindi nagiisip. Nang mapansin kong naestatwa sila, napakuyom ako ng kamao.

"I said let's go," mahinahon ngunit may diin kong utos. Is this insecure that I'm feeling towards these lifeless NPCs?

"Ngunit paano ang--"

Pinutol ko ang sasabihin ng heneral. "They'll just despawn, I don't care a bit! Kung gusto mo, kunin mo lahat ng gamit nila nang mapakinabangan."

"Ikaw," turo ko sa isang babaeng sundalo, "kunin mo ang lahat ng meron sila." Kaagad naman siyang sumaludo at nagpatuloy sa iniutos ko.

"Magiwan ka ng dalawang sundalo para tulungan siya. Pagod ako, kailangan kong magpahinga."

Napatingin ako sa countdown na puros zero na ang nakalagay. Mukhang hindi ako na-log-out.

Bakit nagkaganito ang lahat?

Sa unang pagkakataon, gusto kong makausap ang ate ko.

.

.

.

Ilang araw makalipas ang nangyaring insidente, sinimulan kong madaliin ang development ng Quaintrelle.

Pinansin ko din ang mga gamely features at nag-grind ako sa pagtapos ng mga nakita kong quests mula sa pagi-scout ng Bloodmist woods.

Iniwasan ko ang pagsagot sa mga personal calls ni Alex maging ang direct message niya. Hindi dahil ayoko siyang makausap kundi dahil hindi ko alam ang mukhang ihaharap sa kaniya.

Anong sasabihin ko?

I just killed two people.

"Halleck.. isn't he the famed solo player of Bluecrest online? The one that disappeared?" Aniya sa world chat na kasalukuyang puno ng active players.

"Who's that?" Tanong naman ng karamihan.

"Basta top solo player ng dating sikat na laro. Siguro nagtatrabaho na yon sa letcheng gm para ma-satisfy yung killing intent niya."

"Baka nabaliw na lol"

"Gagawa ako ng GC for policing ruler players. Sinong mga willing mag-join?"

Di nagtagal, napasara ako ng virtual screen sabay masid sa mga papeles na nakalatag sa harapan ko.

"Submit policy," wika ko sa hangin na sinundan ng confirmation window.

Nang makitang naglaho ang mga papeles at mga kakasulat ko lang na modification sa military, napakagat-labi ako sabay hawak sa tagiliran kong nakasukbit ang espada.

Kailangan kong magpahangin.

Lumabas ako ng opisinang parte ng palasyo. Isang silid na kasama sa mga reward pagkatapos mapa-level up sa city level 1 ang territory.

--Nation-Window--

Nation: Aschewartz[418 residents]
Settlements: 1
Capital: Quaintrelle[418 residents]

Type: Victorian
Level: City 1
Designated Fund: 35s
Revenue: [462c]

Officials: 2
Soldiers: 99
Civilians: 317

Status:
>Loyalty[86%]
>Satisfaction[87%]
>Influence[1%]

--

"Ano na'ng plano mo?" Kausap ko sa sarili ko habang patuloy ang paglalakad papuntang throne room.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon