Chapter 23: BluArc

88 18 0
                                    

Langhap ang sulasok ng pulbura sa ere. Dahil sa walang hanggang salitan ng bala at nagaapoy na bolang apoy, mistula nang hamog ang usok na bumabalot sa paligid.

Sa unang tingin madaling isipin na dapit-hapon o maggagabi na ngunit kasabay ng pag-ihip ng hangin, tumama ang init ng tirik na araw sa patay na mga damo ng malawak na kapatagan.

Sa kapatagang iyon, kita ang grupo ng mga nakakabayong Aschewartzian habang habol-habol at tutok ang mga baril sa nagtatakbuhan nilang mga kalaban.

Sa itaas ng ulo ng grupong ito, kita ang katagang "Maverick."

"Palibutan sila, full speed ahead!" Aniya ng nasa unahan na balot ng balabal sa mukha. Noong alisin nito ang pagkakatakip sa mukha upang mas maiging makahinga, makikita ang imaheng depinisyon ng kagwapuhan. Ayon sa kaniyang sarili.

"Payagan kaya akong magbakasyon pagkatapos nito?" kausap ni Nicollo habang walang pakialam sa mga naaasinta't napapatumbang mga kalaban.

"Liam! Anong gagawin mo kung pagbakasyunin tayo?" Tanong niya sa kasamahan na hirap makatama. Minata lang siya nito.

"Ikaw Machievelle? Parang gusto ko nung salad galing doon sa isla."

Agresibo naman siyang binatukan ng kasama bago nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kabayo. "May mga archers sa pader! Give us orders will you?"

Sa loob-loob ng lahat ng mga kasama niya sa grupo, napapatanong ang mga ito, "bakit siya ang napiling kapitan ng Mavericks."

"Wag niyo nang problemahin, may Harlequins na sa loob. Intindihin niyo tanong ko." Saktong pagkatapos niya, natamaan ng palaso ang isa sa mga kasamahan niya.

Samantala, sa kabilang dako ng patay na lupain, makikita ang isang lalaking namumuti ang dulo ng bigote't balbas. Nakasuot siya ng kayumangging uniporme na bagamat lumolobo sa kapal, maiging naipapakita ang matikas niyang tindig.

Pagkarinig ng isang malakas na pagsabog at pagbugso ng maalikabok na hangin sa direksyon niya, napahawak siya sa sumbrero upang hindi matangay.

"Tawagin ang mga elf para doblihin ang pananggala sa mahika," aniya nang hindi natitinag sa kaguluhang nakalahad lang sa harapan niya.

"Clamours! Advance!" Utos niya pa kasunod ang magkakasabay na pag-abante ng mga hanay ng mga sundalo.

Masigla ang teatro ng giyera. Mula sa saliw ng mga sigawan at musika ng mga kalansing, dagundong, at putok ng baril. Natatakpan man ng makakapal na alikabok at usok ang paligid, nakukulayan naman ng mga liwanag mula sa iba't-ibang spell at skill ng mga dumedepensang pwersa.

Sa puntong iyon, batid ng lahat na ito na ang sukdulan ng nagsisimula palang na kaharian. Nakakalungkot nga lang at hindi manlang alam ng mga nananakop ang pangalan ng kahariang ito.

Sa syudad na nakatirik sa dulo ng bangin at napapalibutan ng matatayog na diyamanteng pader, makikita ang isang kastilyong may mataas na tore. Mula doon, madaling napapanood ng isang babae ang palabas.

"Ano nang gagawin mo ngayon Ardent?" Kausap nito sa sarili. Sa punto ding iyon, lumitaw sa harapan niya ang isang mensahe. Nakapasok na ang mga Aschewartzian sa loob ng syudad.

Kung titingnan nga naman ang pagkakataon. Malapit na din ang wakas.

Nakangiti siyang napatayo at sa pagbigkas ng isang inkantasyon, tumalon siya palabas ng bintana at lumutang sa ere.

Parang saranggola niyang sinalubong ang malakas na hangin. Nang makita ang mga pakay na tumatakbo sa mga eskinita at madaling nalalampasan ang mga humaharang na castle knights, bumaba siyang parang isang buwitre.

"Air bomb!"

Nagsitalsikan ang Harlequins sa biglaang buga ng hangin. Karamihan ay nagtamo ng hindi seryosong galos ngunit nakaranas ng stun ang dalawa. Malaking kabawasan na iyon sa maliit nilang grupo.

Sa paglapit ng hindi kilalang babae sa dibisyon ng mga Harlequins, sunod-sunod na putok ng baril ang tumama sa tagiliran, braso't mga binti nito.

Bagamat napangiwi, mabilis din namang gumaling ang mga sugat sa tulong ng healing spell.

"Tornado," muli nitong cast na humigop sa hawak na armas ng ilan sa nasa dibisyon.

Kontento na sana ang binibini sa pakikisalamuha at akma nang aalis nang tamaan siya ng isang bala sa dibdib na umubos ng buhay niya. Bagsak sa kritikal na lebel ng siyam na porsyento.

Biglaang bumagal ang oras para sa babae.

Kita niya ang mga balang papunta sa direksyon niya at maging ang paghinto ng pagaspas ng pakpak ng mga ibong napadpad sa pinagsaklubang teritoryo.

Napatingala siya sa bughaw na langit habang papabagsak. Dinamdam niya ang init ng paligid at pagdampi ng malamig at magaspang na hangin. Hindi nagtagal, napabukas na siya ng inventory at lagok ng healing potion.

"Ha! This is life!" Anito. Kasunod noon ay iniwan niya ang mga kaguluhan sa kalye upang pagmasdan ang dagat sa bangin sa likod ng kastilyo.

Ano mang oras, alam niyang makikita niya ang pagtakas ng mga bihag na players ni Ardent. Iyon ay kung papatakasin sila ng Victorian murderer.

Sa mga ganitong pagkakataon siya nagpapasalamat na hindi siya kaanib ng security council. Kahit papaano, hindi siya masyadong kinokontrol ni Ardent. Sabagay hindi din naman siya kayang makontrol.

Habang lumilipad pababa sa gilid ng bangin na puno ng baging at lumot, nakita niya ang pagbukas ng bagong gawang secret tunnel ng Cliff Castle.

Taliwas sa inaasahan niya, hindi Aschewartzian kundi isang human mage player ang nagpatakas sa mga bihag na players ni Ardent.

Sa mas maigi pang pagmamasid, nakita niya ang pangalang River.

Mas lalo lang nadagdagan ang pagtataka niya nang makitang pinasakay lang sa bangka ng player na iyon ang mga bihag bago bumalik sa loob.

"Tsk. Tsk. Paano nalang kung pinasabog ko yung bangka? Nako, newbie nga naman," aniya at napa-cast ng explosive spell sa nagiisang escape route ng syudad.

"Oops! Sorry Ardent," walang emosyon pa niyang dagdag. May tapang siya lalo na at hindi siya papagalitan ng lalaking mamamatay maya-maya lamang.

Nanood siya sa mga takot na mukha ng mga players na nasa bangka. Mga players na karamihan ay wala pa sa edad na 12. Ang mga nasa tamang edad ay puros babae at walang alam sa laro.

Mga taong naipit sa sitwasyon. Buong akala niya, walang plano ang security council na iligtas ang mga taong yun.

Napanguso nalang siya at lumipad pabalik sa kastilyo. Nang malapit na sa bintana, saktong nasagad ang mana niya.

Ang resulta, isang babaeng nakalambitin sa bintana ng isang tore. Namumula nalang siyang napakausap sa sarili habang napapaisip kung anong sasabihin ng mga taong nakakakita sa kaniya sa baba.

"God please! Promise lalagyan ko na ng points yung strength stats ko!" Aniya habang pilit na inaakyat ang sarili sa bintana.

Napabuhat siya ng sarili at wagwag pa ng mga binti. Kita niya ang unti-unting pagbawas ng stamina niya ngunit sa kabutihang palad ay nagawa niyang maiakyat ang sarili.

Kumalampag pa ang likod niya pagkabagsak sa semento. Hinika pa siya sa hindi inaasahang ehersisyo.

Nang mapaupo at mapamasid sa paligid, gumuhit ang ngisi niya sa mga baril na nakatutok sa mukha niya.

"Hello! Daisy Bluarc at your service. NPC ba kayo o players? Huhulihin niyo ba ako? Kung oo, pwede bang malaman kung may Ice cream sa Aschewartz?"






The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon