Sa pagsakop ng dilim sa kalangitan, tuluyang nalupig ang sandatahan ng Cliff Castle City. Bumagsak sa mga kamay ni Skylar ang syudad at napalibutan ng mga bala.
Ang mga kalansing ng bakal ay napalitan ng mabibigat na yapak ng mga nagmamartsang Aschewartzian. Nagliliwanag ang paligid sa tulong ng mga nagaapoy na kabahayan.
Pinipinturahan ng parehong apoy at dugo ang paligid.
Wala nang ibang natira sa mga depensa ng katunggali niyang si Ardent kundi tumpok ng mga bangkay, mga marurupok na barikada, at kalat-kalat na pwersa ng mga castle guards.
Hindi magtatagal at mapapasakamay na din ni Skylar ang mismong palasyo at trono.
"All hail prince Halleck!"
"All hail Aschewartz!"
Maririnig ang sigaw ng mga sundalo sa tapat ng higanteng entrada ng kastilyo. Sabay-sabay pang nagpaputok sa langit ang lahat na dahilan ng pagbaba ng morale ng mga kalabang nagtago sa loob.
Habang nakatanaw sa matataas na tore ng kastilyo, lumitaw ang isang virtual screen.
[King Ardent of Ashburn Kingdom surrenders.]
[Congratulations player Skylar Halleck. You've won the war!
Rewards:
>Throne of Ashburn Kingdom (Loyalty 50%)
>2 diadems and 4 golds]Kasunod noon, nakita niya ang pagwagayway ng puting bandila sa isa sa mga tore. Tapos na ang digmaan ngunit sa kung anong dahilan, nakukulangan siya.
"Halughugin ang kastilyo. Huliin si Ardent at pugutan sa harap ng lahat ng tao." Aniya.
Nakukulangan siya sa mga nangyayari. Sapat na bang matapos sa ganito ang lahat? Pakiramdam niya mali. Kailangan niyang parusahan si Ardent.
Nagmartsa papasok ang grupo ng mga sundalo nang pagbuksan sila ng Harlequins. Mula sa kinatatayuan ni Skylar, kita niya ang mga walang buhay na gwardiya.
"Dalhin niyo siya sa akin," dagdag niya pa.
Pinasok ng mga sundalo ang kastilyo. Pasilyo, kwarto, bulwagan — walang sulok ang iniwang hindi nahahalughog at naliliwanagan ng gasera.
Sa paglipas ng oras, maririnig pa ang mga komosyon at ilang mga putok ng baril. Ilang beses na mapapahinto ang mga sundalo bago magpatuloy sa susunod na silid.
Kasabay ng mga ito, tuloy-tuloy ang paggabay ng ibang mga dibisyon sa mga nakagapos na kalaban. May malulubha mang sugat ang iba, hindi niya pinayagang gamutin ang mga ito hangga't hindi nagagamot ang sarili niyang hukbo.
May isang pagkakataon, lumapit sa kaniya ang isang babae at nagmakaawa. Lumuhod pa sa harapan niya para lang magamot ang asawang naghihingalo.
Kahit na alam niyang kaya niya, mas pinili niyang hindi to pakinggan. Hanggang sa hatakin nalang ito ng isa ng ilang mga sundalo.
Napagtanto niyang wala manlang siyang ni isang galos samantalang madaming sundalo niya ang malubha ang kalagayan.
Anong karapatan niyang pagbigyang magamot ang mga kalaban kung iyon ang iniutos niya sa hukbong nagbuwis ng buhay para sa kaniya? Kahit pa NPC sila.
Nagmasid siya sa isang sundalong binebendahan ang malaking hiwa sa likod. Masakit kaya ang mga sugat na yon?
Hindi niya maiwasang maalala ang kabataan. Napahawak pa siya sa kaliwang braso at idinaan sa iling ang trahedyang minumulto siya.
.
.
.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ciencia Ficción"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...