Chapter 39: A Victorian City

54 8 0
                                    

Bagamat malawak, sumisikip ang espasyo ng hilagang tarangkahan ng Quaintrelle dulot ng mahahabang pila ng tao't mga karwahe.

Paparating ang panibagong digmaan sa lupain ng Aschewartz. Kalat na ang balita sa buong kaharian at dahil dito, muling binuhay ang komersyo upang matustusan ang sandatahan.

Noong nakaraang araw lang nagpadala ng mga delegado ang hari sa mga kalapit na NPC kingdoms.

Trade ang pangunahing layunin kung pagbabasehan ang panlabas na motibo.

Ngunit batid ng Security Council at Eastern Confederation na unti-unting bumubuo ng pader ang Aschewartz sa paligid nito sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa mga nakapaligid na boss-type NPC kingdoms.

Isa lang ang kahariang katabi ng border ng Aschewartz, ang Dwarven kingdom of Claudia, at mukhang kasama na ito sa alyansang nabubuo sa silangan ng Central Continent.

"A victorian ruler specializes in commerce dahil natural na malakas ang production power nito sa tulong ng machineries," kausap ng isang lalaki sa kaniyang sarili.

"Sa oras na dumepende sa produksyon ng isang victorian territory ang ibang players, mahihirapan na silang tumakas."

Nakamasid siya sa binubuong mga riles sa 'di kalayuan habang kinakapkap siya ng isang sundalo. Pagkatapos ng ilang oras na paglalakbay mula Claudia, narating din niya ang maalamat na kaharian ng Follower of Cain.

"Pangalan," tanong ng isa pang sundalong may nakalagay na ranggo sa balikat.

"Winter," aniya.

Umiihip ang malumanay na hangin. Bakit nga ba siya nasa loob ng isang delikadong teritoryo. Hindi parte ng pagkatao niya ang pagharap sa delikadong mga players.

Kung hindi lang dahil sa babaeng iyon.

"Hindi kita kailangan."

Ramdam niya parin ang kirot na dulot ng mga katagang binigkas nito.

Tinapos niya ang lahat ng maaring matapos na quests para lang makita ang dalaga. Nag-ipon siya ng RP points para lang sa intercontinental teleportation patungong Leatial.

Sa paghahanap, kung sino-sino pa ang natanungan niya hanggang sa maturo siya sa lugar na ito.

"Isa ka bang outlander?" muling tanong sa kaniya ng may ranggong sundalo-hawak ang isang listahan.

"Oo," tugon niya.

Nagkatinginan ang Wall Paladins na nakadistino sa gate. Nilayuan siya ng ilan samantalang napahanda naman ng baril ang iba.

"Anong layunin ng pagpunta mo?" kaswal ang sundalo bago tanguan ang kumapkap sa kaniya.

"May quest akong tinatapos," pagsisinungaling niya naman.

Pakiramdam ni Winter nasa bingit siya ng kamatayan ano mang oras. Kita niya kung paano ipangalandakan ng mga NPC ang kanilang mga armas nang tila ba nagbibigay babala.

Idagdag pang hindi niya nakikita ang pangalan at level ng mga ito sa itaas ng ulo.

Hindi siya makasigurado kung sapat ba ang naipon niyang vitality points para kumunat. May kwenta ba ang armor niya? Ilang bala bago siya tumumba?

Habang maigi niyang binabasa ang kilos ng mga armado't lubhang nakakamatay na mga Victorian, iniwan siya ng nagaasikaso sa kaniyang sundalo.

Lumapit ito sa isang nakaitim at nakamaskarang Victorian soldier upang bulungan.

"16th outlander today. Ilang Harlequins pa ang nakahanda?" bulong nito.

Lingid sa kanilang alam, naririnig niya ang usapan.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon