Third Person's PoV
"Mabuhay ang Prinsipe! Mabuhay ang Aschewartz!" Sigaw ng mga sundalo't citizen na nasa dalampasigan habang nilalatag ng mga nakuhang mangingisda ni Skylar ang sandamakmak na high-grade tunas.
Hindi maiwasan ni Skylar na isiping napawi ng mga nakalatag na pagkain ang katiting niyang pagod sa mga kamakailang nangyari.
"Nasa isang peninsula ako at may bulkan sa timog. Siguro maraming coral sa lugar na yon kaya ganito kadami ang high-grade tuna," sa isip-isip niya pa.
Tama siya dahil spawn point ang coral reefs ng Reignland.
Habang tinatanaw niya ang mga sundalong nagaasikaso ng distribusyon, napatapik sa balikat niya si Nicollo.
"Sayang lang at hindi to nakita ni Count Pale," aniya ng perpektong mukhang lumapit sa kaniya.
Kung hindi lang dahil sa sinabi niya marahas na mapapahawi si Skylar.
Kasalanan niya din naman kung bakit ganoon ang kondisyon ng Count kaya hindi siya nakaimik.
Nagmumuni-muni, napatanaw siya sa kalsadang nasa likuran bago magtanong. "Kamusta si Natalia?"
Napaayos naman si Nicollo ng tayo sa itinanong niya.
"Huling kita ko sa kaniya, inaasikaso niya ang walang malay na Count. Magiging ayos din siya."
Walang ibang naitulong ang mga salitang iyon kundi ang mas mahiya lang siya dahil sa sariling incompetency.
Alam niyang wala na siyang oras. Kailangan na niyang simulan ang plano sa paghahanap ng ibang settlements.
Hindi siya ligtas hangga't may ibang mga players ang pupwedeng lumabas pasok sa teritoryo niya.
He need his titled residents during this times but his pride don't want to seek help.
"May aasikasuhin akong importante. Habang wala ako, iniiwan ko si Heneral Shostakovich bilang tagapangasiwa ng buong Aschewartz," wika ni Skylar nang mapagtantong masyado siyang umaasa.
Napaangat naman ng tingin sa kaniya si Nicollo. Hindi niya maintindihan kung anong ekspresyon ang ipinakita nito kaya nagpatuloy lang siya. "Utusan mo din ang dalawang Harlequins at si Natalia na magpanggap na refugee NPC."
[-RP Points]
Napangiwi pa siya sa nagpakitang virtual screen.
"Ipahanap mo ang babaeng nagngangalang Kylar sa mga syudad sa silangan."
"Pwedeng sumama?" Putol sa kaniya ni Nicollo.
"No." Mariin naman niyang sagot.
"Come on... Please?"
"I said no."
"Pretty please Halleck?"
"Ilang beses ko bang sinabing wag mo kong kausapin nang walang honorific?" Tinalikuran niya 'to kalaunan para lakarin ang kalsadang puros tao lang at walang sasakyan.
"Pretty please your highness prince Halleck the great."
"Still no."
"Kung naiinis ka na sa'kin pwede mo naman akong i-suspend."
Kalaunan, napasuko din si Skylar at napagulo pa sa sariling buhok dahil sa inis. "Okay. Shut up already. You're suspended."
"Thank you!"
Hindi nalang niya pinansin ang nakakainis na ngiti ng perpektong mukhang todo ang akbay sa kaniya.
"Anong problema nito? When I get back to the real world I'll butcher his codes into nothingness." Madali lang niya iyong magagawa kung ang ate niya ang nag-program dito.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ciencia Ficción"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...