Chapter 14: Bugbog

120 22 1
                                    

"Who the fuck are you?" I said while unintentionally sounding as cool as an action star.

Hindi ko din intensyon ngunit nakita ko kung paano nag-usok ang ilong niya sa galit. Awesome.

"Hindi mo ako kil-"

"Wait. I remember, I don't talk to strangers." Humakbang ako palayo at iniwan siyang nagninilay sa kahihiyan.

Hindi din naman nagtagal, narinig ko ang mabibigat na kalansing ng suot niyang baluti bago ako pwersahang iharap at tangkaing kwelyuhan.

Tinangkang kwelyuhan ngunit mas mabilis ang paghawi ko sa kamay niya.

Sa puntong iyon, nakatawag pansin na kami sa mga taong nasa paligid. Sino ba namang hindi kung mukhang isang pro player ang kaharap ko. Sa ganitong klaseng sitwasyon, sisipsip ang kahit sino para lang mabuhay.

Suot niya ang isang makapal at kulay silver na baluting balot ng kulay kahel na aura habang may isang malaking broadsword ang nakasukbit sa likuran niya at mukhang high grade na katana naman sa bewang.

Hindi ganoon ka-impressive ngunit kung pagbabasehan ko ang early game na meron ang ganitong klaseng mga laro, isa siya sa mga top players.

Base din sa level niyang nasa itaas ng ulo, isa siyang adventurer class. Mga manlalarong mas ginusto ang paglalakbay kaysa ang kingdom building feature ng laro.

Leviathus, level 24.

I'm just level 2.

"Anong meron? May duel?" Narinig ko mula sa kung sinong nasa dumadaming bilang ng mga tao. A problem indeed.

"Si Leviathus yun diba?"

"Kawawang Victorian. Ano bang nangyari?"

"Di ko alam, kakarating ko lang."

Masaya na 'kong hindi nila nakikita ang IGN ko o nakikilala manlang kung sino ako. Dapat bang humingi nalang ako ng tawad? Hell no.

Napatingin ako sa mga nagliliyab na mata ng lalaking kaharap ko. 'Di tulad kanina, mababakas na ang nakakairitang ngiting tingin ko ay dahil sa mga nakapaligid.

Nanatili lang ako doon at nakipagtitigan nang walang imik. Bagamat mas matangkad siya ng dalawang pulgada, hindi iyon nakatulong sa pananakot niya.

Wala siyang ideyang may NPC na mas matalim pa sa kaniyang manitig. Maalala ko lang si Aya, pakiramdam ko mapapangiwi na ako.

"D-duel!" Utal niyang bigkas kalaunan. Bakas ko pa ang butil ng pawis sa sintido niya.

Napaubo pa siya upang linisin ang lalamunan. "Hinahamon kita! Duel with me!"

Binunot niya din ang espadang nasa tagilirin sabay tutok noon sa leeg ko. Napakapa ako sa sarili kong rapier dahil doon.

[Duel request received. No conditions were stated. Do you want to accept it?"]

Tsk.

"Accept."

[Analyzing participants. Commencing Duel protocol. Establishing a temporary Arena. Locating immortal objects... 12%... 47%... 99%...]

Bakit ako lalaban sa isang adventurer? Wala nga akong maski isang skill. This pride...

"Hahayaan pa sana kitang mag-sorry pero mukhang mayabang ka," aniya. Ako pa talaga ang mayabang.

Maya-maya'y isang dome na mayroong hexagonal design ang nagkulong sa amin. Nagsiatrasan naman ang mga nakikiusyoso upang pagbigyan kami.

"Dahil newbie ka mamadalian ko nalang 'to para sayo."

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon