If you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it?
May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Things work out best for those who make the best of how things work out." John Wooden
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Ang tema at paksa sa mga piling bahagi ng obra na ito ay pawang pagpapahayag ng malayang opinyon ukol sa mga napapanahong isyu. Ito ay isang uri ng malikhaing pagsulat at dapat igalang kung taliwas sa opinyon ng karamihan....
♥♥♥♥♥♥♥♥
Seth Kyrie
Sabi ng isang pari sa isang homily.
Mas madali daw mang-iwan kesa maiwan.
Ito yung part na yung madaming taga-sunod ni Kristo ay naging labingdalawa na lamang.
Kung pamilyar kayo sa passage na ito, ito kasi yung sinabi niya na eat my flesh and drink my blood.
May mga salita talagang mahirap intindihin, pero may point naman kasi yung sinabi ni father. May mga taong mabilis bumitaw at meron din namang kumakapit parin kahit nasasaktan na.
Parang si Magdalena, andun parin siya hanggang sa huling hininga ng kanyang minamahal na guro. Habang si Pedro nama'y pinagkanulo ang kanyang maestro.
May pinagmulan pala ang kakayahan natin na mang-iwan.
Ikaw ba yung tipong iniiwan? O ikaw yung nang-iiwan?
"Naiwan ka na ba?" tanong ko kay Doc JD, kasalukuyan kami noong kumakain sa isang restaurant matapos naming magsimba. Natawa naman si Niknik sa tinuran ko.
"Tigilan mo ko ah, kagagaling lang natin ng simbahan"
"If I'm not mistaken, yun ang pinupunto ng pari kanina. Kahit hindi ko masyadong nauunawaan yung sinasabi niya"