Dio Mondragon
NMMC, Neonatal Intensive Care Unit
Magdadalawang linggo na ang nakakalipas simula ng isilang ang sanggol na ito, sa parking lot malapit sa kotse ko. Halos araw-araw akong bumibisita dito. Hindi nalang yung OR Schedule board ang binabantayan ko araw-araw, tinititigan ang paglipas ng araw sa mga kalendaryo at nag-aantay sa pagbabalik ni Sky. Heto ako at binabantayan rin kung makaka-ligtas ba ang batang ito sa hamon ng mundo. Isang inosente na lumalaban para lang mabuhay.
Nagpatulong na ako sa Daddy ko para hanapin ang pamilya ng batang ito. Ilang araw rin bago namin natunton ang pamilya ng dalagita. Napag-alaman naming Rosalie Quines ang pangalan ng dalaga at galing ito ng Dumaguete. Lumuwas ng Maynila para makipag-sapalaran at magtrabaho dito bilang isang kasambahay. Hindi alam ng pamilya niya na buntis ito, hindi nila alam na wala na pala siya sa bahay ng kakilala nila. May nakapag-sabi lang na nakipagtanan daw ito sa nobyo niyang isang pahinante ng trucking company. Hinanap din namin ang sinasabi nilang lalake pero tumanggi ito nung tanungin namin kung siya ang ama nung anak ni Rosalie.
Pinaluwas nga ni Dad ang Nanay ni Rosalie sa Manila upang makuha niya ang bangkay ng kanyang anak at makita narin ang kanyang apo. Labis na dalamhati ang nakita ko sa ginang.
"Nay, mga ilang buwan pa po siya diyan sa incubator bago niyo siya maiuwi sa inyo"
Tinitigan ako ni Nanay Telma, bumubuhos ang luha mula sa kanyang mata.
"Doc, di na po namin kakayanin. Siyam po silang magkakapatid at yung tatlo po dun ay may mga asawa't anak na. Sa amin parin po sila nakikitira. Di na po namin alam kung saan kukuha ng gagastusin kung madaragdagan pa kami ng isa. Di ko rin po alam kung saan kukuha ng pang palibing sa anak ko"
Bumuntong hininga nalang ako.
"Doc, kayo nalang po ang bahala sa apo ko. Siguradong mas maganda ang buhay niya sa inyo"
"Pero hindi po ako ang karapat-dapat na mag-ampon ka kanya Nay, kailangan po niya ng masaya at buong pamilya. Yung normal na pamilya. Kailangan niya ng Nanay at Tatay, ng Lolo at Lola, mga pinsan. Yun po ang kailangan niya sa ngayon"
"Doc, nagmamaka-awa po ako sa inyo. Oo nga po at may suportang moral siyang makukuha sa amin ngunit gutom at sakit po ang papasanin niya sa murang gulang na iyan. Hindi na po kakayanin ng kalooban ko na may makitang paslit na naghihirap dahil sa estado namin sa buhay. Doc, parang awa niyo na po"
Gusto ko na noon tumango at pumayag nalang. Kahit papano ay gusto kong may magawang tama sa mundo. Ewan ko ba pero parang ang gaan ng loob ko sa batang ito. Na para bang swak kami sa isa't-isa, na pinagtagpo kami ng tadhana.
"Pag-iisipan ko po Nay, pero mahabang proseso po ito"
Ngumiti lang siya sa akin at yumakap.
Umalis ako doon at dumiretso sa Surgery Wing patungo sa opisina ni Paul. Dumaan muna ako sa Nurse Station at nadatnan ko doon ang mga interns ko na katatapos lang sa kanilang lab test at kung ano pang immunization shots. Si Dr. Gozon parin ang may hawak sa case ng batang may cystic fribosis na kasalukuyang nasa isolation sa Eastern Wing ng ospital kung saan andun ang Special Care Unit at ward ng mga paysyenteng may Communicable Diseases.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...