If you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it?
May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"One love, one heart, one destiny." ― Robert Marley
==========================
Warning: For Mature Audiences Only. This work of fiction contains sensitive contents such as Theme, Violence, Drugs, Language, Sex and Horror. If you are not a fan of BL Series or Boy to Boy Love Stories - please leave this page immediately.
==============
Seth Kyrie
Go Manor, Baguio City Philippines
Nakaramdam ka na ba ng sakit sa iyong puso?
Paano mo ginamot ito?
Talaga ba'ng nababasag ang puso?
At sa sandaling mawasak ito, hindi na ito babalik sa dati nitong anyo.
Mas mabilis intindihin ang puso kumpara sa utak. At mas madali rin itong gamutin.
Pero katulad ng utak, minsan nalilito rin ang puso.
Minsan, parang may sarili itong utak.
Di mo mapigil...
Mahirap pakiusapan, mahirap kontrolin.
Hindi natututo, hindi mapakiusapan.
------
One day, habang nasa sala kami at nanood. Si Kali naman ay kalaro yung mga pinsan niya.
Nakarinig ako ng doorbell.
"Insan, pakitignan nga yun" pero walang sumagot sa akin.
"Ico, buksan mo nga yung pinto" sigaw ko. Wala rin akong narinig na sagot mula dun sa isang yun.
"Ma, buksan mo nga yung pinto"
"Ay loko, sika asideg dita. Busy ako dito" sigaw niya. Sinamahan pa niya ng maraming mura at kung ano ano pang reklamo. Kaya tumayo na lang ako at binuksan ang pinto.
"Hi, Merry Christmas" yun ang bati niya.
"Kali!" tinawag ko nga ang anak ko. Nang makita niya kung sino ang nasa labas ay agad itong tumakbo.
"BaPa Yo!"
Bakit ang gwapo niya parin kahit may sakit siya sa puso. He's still hot.
"Sino yan bok?" tanong ni Ico, kagagaling lang niya sa labas. Wala siyang pang-itaas at talagang pawis na pawis. Nang makita niya kung sino ang bisita namin ay parang nag-iba ang timpla niya.
"Ah ikaw pala pasok ka pre, maliligo lang ako mahal" pagpapa-alam niya sa akin.
Mahal?
Kelan pa niya ako tinawag na mahal? Gago talaga 'to.