Chapter 19- When the feeling is Gone

1.8K 96 38
                                    

Expiration

(noun)

Manufacturers way to vouch the full potency of their products, it should be consumed within that period.

The emission of last breath.

Death...

Flatline...

Lahat nage-expire, pati yung feelings niya sayo. Minsan may grace period yan.

Buti pa ang gamot, may heads-up kung kelan mage-expire.

Best before, end....

Pero yung feelings niya sayo - di mo alam.

One day, bigla nalang mawawala. Pooof, gone.

The next day, ayun may bago ulit siyang happy pill.

Sakit...

Sakit noh?

Ni lidocaine di ata kayang agapan ito. Yung kirot sa puso.

Mefenamic acid? 500 mg. kaya ba?

Hindi.

Alak pwede, laklak lang ng laklak hanggang sa mamanhid ka na sa kalasingan.

Dear liver, stay put ka lang...

Ang saya sana na maconsider kang happy pill ng iba, hayyyys ang sarap mangarap ano? What a concept.

"Lahat daw ng tao na nilalang sa mundo ay may nakalaang isang espesyal na tao para sa kanila"

Lord, what a concept.

Daig pa ata nito ang Greek Mythology, ang paniniwalang may Olympus, paniniwalang may langit at afterlife. Walang kasiguraduhan.

What a concept!

----

"Sky?"

Tulala lang ako sa pwesto ko, madaming mga concept ang pumapasok sa utak ko. Deretso lang ang tingin ko dun sa halaman na naka-paso.

"Hoy!"

"Stop!" tugon ko. Nagulat sila sa inasal ko, tinignan nila akong lahat. "Please stop, she's gone"

Nasa harapan namin ngayon ang isang ginang na nasangkot sa isang road mishap, walong buwang buntis at grabe ang pagdurugo ng kanyang ulo.

"Dr. Buencamino?"

"She's gone" sagot ko. "She already expired"

Nakita ko na itutuloy parin ni Lex na irevive ang pasyente.

"I said stop. Enough!"

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Lex.

"Yan itigil mo yan, hindi mabubuhay ang pasyente sa pag-iyak mo. Pwede ba"

Tinitigan niya lang ako na para bang gusto niya akong sapakin o sampalin.

Nakatitig lang ako sa relo, 5-4-3-2-1.

"Ok. Start compressions again, we need to have a blood flow"

Nasa gilid lang si Dr. Buenaluz at nagmamasid. Inaantay lang naman ng mga scrub nurse ang susunod kong sasabihin.

"We don't have time, gown & gloves please"

"Sky?" awat ni Lex.

"Tutunganga ka lang ba diyan? Start compressions"

Sumunod naman ito.

"10-blade"

"You're opening her?"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon