Kinagabihan nanaginip ako na nasa isang lugar daw ako na puno ng puting rosas at mga paru-paro. Agad akong nagising balisang balisa, di ko alam ang ibig sabihin pero si Samuel agad ang pumasok sa isipan ko. Kaya naman tinawagan ko siya.
"Uhhhhhm" tugon niya.
"Bok san ka?"
"Sa apartment, bok naman eh natutulog na ko. Alas dos palang ng madaling araw oh ano ba naman yan, miss mo ako agad"
"Sige tulog ka nalang ulit, I just had a bad dream"
"Ako good dream panira ka lang, andun na eh. Kinakasal na tayo sa New York oh, naghohoney moon na tayo sa Maldives, pasok na oh, tusok na tusok na, panira ka talaga"
"Sorry, tulog ka nalang ulit"
"Love you baby ko"
I ended the call at natulog narin.
Kinabukasan ay hinatid ko siya sa airport at habang nagdadrive siya ay napansin ko ang kumikinang na bagay sa palasingsingan niya. Nagtataka ako nun, nagkabalikan ba sila ni Mica? Kaya naman biglang uminit ang ulo ko.
"Stop the car" tugon ko.
"Ha?"
"I said stop the car!" bulyaw ko sa kanya.
Itinabi nga niya ang kotse sa kahabaan ng EDSA. "Ano nanamang problema mo? tanong niya.
"What's with the ring, nagkabalikan na ba kayo ha? Putang ina mo gago ka wag mo kong pinagloloko" at pinaghahampas ko siya.
"Nak ng teteng tanga tanga, nakalimutan kong tanggalin"
"You liar, you're cheating on me"
"Hindi ah"
"Palusot ka pa at gigilitan ko yang leeg mo"
"Sinabi nang hindi eh"
"Then what, give me an acceptable explanation"
"Panira ka ng diskarte eh"
May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya saka niya inabot sa akin na naka simangot. "Ohhh"
Binuksan ko ito at nakita ko ang kapareha ng singsing niya. May naka-engrave pa talaga ditong "C&S"
"Happy? Satisfied?" tugon niya.
Nginitian ko lang siya saka binigyan ng matamis na halik at yakap.
"You're impossible, panira ka ng diskarte sa airport ko pa sana ibibigay yan eh para naman may drama"
"Eh di ko alam eh"
"Kaya nga surprise diba? Tssssss"
"Oh siya tara na malelate ka na sa flight mo"
"Hmmmmmnft"
"Wag ka na magtampo, tatanga tanga ka naman kasi"
"Gago"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...