And sometimes you have to die just a little inside before you truly understand how to live...
-Anonymous
Seth Kyrie
Days after the Day of Hearts
Prime Corals, 8:00 AM
Hindi ko lubos akalain na sasapitin ko ulit itong ganitong senaryo sa buhay ko. Akala ko tapos na lahat ng dilim, akala ko tapos na lahat ng pagdududa at puro katiyakan na lang ang natira.
Akala ko lang pala iyon.
Kasalukuyan akong nagpapakulo ng tubig noon, inaantay na matapos ito. Ang layo ng iniisip ko, tama pa ba ang nagiging desisyon ko?
"Dr. Buencamino, we can only give you another week for extension"
"I need something longer than that please"
"We can't give you special treatment Sir, there are many applicants who are willing to take your spot. It's up for you to decide"
"Sky?"
"Oh, andito lang ako sa kusina"
"Bilisan mo, wala akong kasama dito"
This is the reason why I can't go to Cleveland. The reason why I gave up my spot and chose to stay. Hindi ko maiwan si Dio, he needs attention more than ever.
Ilang linggo na nga ang nakakalipas matapos ang insidenteng iyon. After 3 days noon ay inilipad na namin si Dio dito sa Manila at dito siya inobserbahan. I'm supposed to be flying to Ohio last week, but I failed to go.
Dio needs me.
Naisip ko na lang na magiging doktor pa naman ako with or without Cleveland Clinic. Kumbaga bonus points lang iyon sa akin. I chose Dio over it. Cleveland Clinic can't love me back.
Hindi mo nga basta-basta maiiwan si Dio, may mga instances kasi na nagkakaroon siya ng episodes o lapses. Bigla na lang siyang sisigaw o di naman kayay biglang aatake yung sakit. Makikita mo rin na nagte-tremb yung kanang braso niya.
Pag nakakatulog nga siya ay wala na akong magawa kundi umiyak. Gusto niya ako lang lagi ang nasa tabi niya, walang ibang bisita, walang ibang kakausapin.
Inaalalayan ko siya sa lahat ng bagay, he can't sit or stand or talk. He can't even use the bathroom himself. Kaya naman naki-usap ako kina Doc Cedric kung pwede ay mag-file muna ako ng indefinite leave.
"Sky, on sabbatical ka na sa records" naalala ko na ganun pala ang setup pag nagpupunta ako ng Cleveland, pero this time ginamit ko ito to look after Dio.
Doc Howard hired a male private nurse para may katulong ako sa pag-aalaga sa kanya. Pero minsan ay nagsusungit ito at matigas ang ulo. Gusto niya ako lang ang umaasikaso sa kanya.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...