Chapter 29 - Ghosts

1.8K 102 11
                                    

Seth Kyrie:

"Na-ghost ka na ba?"

Out of the blue na tanong sa amin ni Sab.

Kasalukuyan kami noong nasa residents lounge at nagpapalipas ng oras bago kami mag time-out.

Yun din ang araw kung saan nagkalat na sa lahat ng bulletin boards ng ospital ang revalida announcements. Ibig sabihin nun malapit na ang anniversary namin sa ospital at irere-assess kami kung pwede na kaming mapunta sa resident proper. Dalawa ang klase ng revalida, written revalida at oral or practical revalida. Ginawa din ito bago ang graduation sa Med School, parang isang malaking thesis defense. Naka-group kayo o tinatawag na tribe at lahat na ata ng libro ay nasa isang maleta at dala-dala niyo sa araw na iyon. Ramndom ang pagpili at di mo alam kung kelan ka sasabak kaya dapat handa ka. May isang papel na naglalaman ng letter kung saan nakasaad doon ang intention mo na makamit ang MD Title, naka-adress ito sa President ng unibersidad. It was like having to undergo another internship application screening but this time its harder. Gaya nga ng sabi ni Dr. Umali noon, ang partner international hospital at international surgical association ang magka-conduct ng revalida this year.

"Naniniwala ba kayo sa multo" tanong ulit ni Sab, tumingin kaming lahat sa kanya.

Pinagkasya naming apat ang aming mga sarili sa munting couch na nandun.

"Buti pa ang multo nagpaparamdam"

"Saglit nga Sabrina Agatha Ramones, may pinagdadaanan ka ba?" tanong ni Niknik, hindi agad nakasagot si Sab.

"Boys!" sagot naman ni Lex.

"I've been ghosted" tugon ni Sab kaya naman tumitig kaming lahat sa kanya.

"Sorry, I can't follow" saad ko.

Binalingan nila ako at sabay-sabay nagsalita. "Arrrgh, boys!"

"Ghosting is part of a relationship Sky, as well as Icing and Simmering" paliwanag ni Nik.

"Still, I can't follow"

"The simplest interpretation, sweet kahapon - wala na ngayon. Yung bigla-bigla nalang di magpaparamdam ng walang dahilan. No explanation, no response to calls, to text, to emails. Wala, poof - GONE. Bigla nalang siyang naging multo"

"Oh, Elij did this to you?" tanong ko kay Sab at tumango naman siya.

"Who's Elij?" tanong naman nina Nik at Lex.

"The hot shot nurse at the Chemo center" sagot ko.

"At paano naman kayo napunta sa Chemo center? Hello, that's so non-surgical stuff" tugon ni Nik.

"Duuuh, its part of Oncology" sagot naman ni Sab. Nik just rolled her eyes.

"Eto bang Elij na ito ay graduate ng UST?" tanong ni Nik.

Tumango lang si Sab.

"Ay kaya, yang mga taga USTE magaling yang mang-ghost"

"Excuse me ha" sagot ni Lex.

"Ay sorry, taga UST ka ba teh?"

"Hindi lang halata pero OO. Graduate siya ng UST Faculty of Medicine & Surgery" sagot ko naman.

"What do you mean by that aber?" tanong naman ni Lex.

"Hindi ka kasi nakaka Royal Pontifical ate girl"

"So sinasabi mong pokpok ako? At di ako bagay sa isang Catholic School ganun? Galing ka din sa isang Catholic University Sky, nagtataka rin ako"

"Wala akong sinasabing ganyan Lex, ikaw nagsabi na pokpok ka hindi ako"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon