If you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it?
May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sometimes it takes a heartbreak to shake us awake and help us see we are worth so much more than we're settling for."
-Mandy Hale
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Warning: For MatureAudiences Only
===========
Seth Kyrie
2 Weeks After Barcelona: Castañeda Residence
Toronto, Ontario Canada
Pagbalik na pagbalik ko galing sa Barcelona ay agad akong sumabak sa mga pending surgeries ko mula kay Dr. Pearson. Parang lahat na lang ng surgery maski simple o complex ay pinapasa niya sa akin. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil nga may additional one week akong absent. Sinasabay ko rin ang mga lab works ko at ngayon nga ay inaantay ko lang ang results ng mga experiment na ginawa ko.
Sumabay rin si Kali sa loaded schedule ko, pagbalik ko kasi galing Barcelona ay nagkasakit siya. Sabi naman nina Kirin at Tita Cecille ay lagnat laki lang daw yun. Pero pinakonsulta ko parin siya sa pedia para sigurado. I even consulted Lex for it.
"Sarili mo'ng anak di mo kayang gamutin?" yun agad ang sinabi niya sa akin nung tinawagan ko siya. "Tignan mo nga yung bayag niya baka lumaki"
Kahit kelan talaga ay napaka-bastos ng babaeng yun.
Oo, doktor ako pero pag sarili ko'ng anak ang may sakit ay nananaig yung pagiging tatay ko kesa sa pagiging doktor. Parang name-mental block ako dahil sa kaba at pag-aalala.
"Kumusta naman ang Barcelona, balita ko matinding bakbakan daw ang nangyari"
"What? Saan mo nanaman nasagap yang tsismis na yan?"
"So totoo nga? Huli!"
Di na nga ako nakapagsalita pa, binaba ko na lang ang telepono.
Ngayon nga ay day off ko at kasalukuyan akong sumasagot ng maraming email at inquiry. Napakadaming un-answered email doon, yung iba naman ay gustong magpadala ng kung ano-ano.