Chapter 49 - 20 Beats per Minute

1.3K 80 24
                                    

"Slowly, with many lost days, I come back to life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Slowly, with many lost days, I come back to life."
― Suzanne Collins

Seth Kyrie

The Albertus Clinic - NMMC

6th of January, 20xx

-Paging Dr. Lucero, Dr. Nathaniel Lucero to ER Please -

Kahit pala sa Albertus ay naririnig ang pangkalahatang page, akala ko nasa ibang mundo na ako. Naatasan nanaman ako dito para sa mga scot works. Para man lang daw maramdaman ko ang not so special treatment ng ospital.

But I find it relaxing, dito walang panic, chill lang, charts lang ang gagawin, magsalansan ng stocks at magcheck ng mga mild cases.

"Buencamino, pag natapos ka diyan kunin mo yung lab results" ani Sr. Resident Dr. Ace Palomino.

Nginitian ko na lang ito. "Yes Doc"

Nakita ko naman ang pag-irap niya sa akin, ewan ko ba kung bakit iritable itong mga senior residents na ito. Kasalanan ko ba kung masyado akong maganda at nagayuma ko ang isa sa may ari ng ospital at ang Head pa ng Cardio at Trauma. Kasalanan ko ba kung bakit ako ang napili ng Chairman na maging intern niya? Kasalanan ko ba kung nasa akin ang surgical skills?

"Hindi diba?"

"Ano yun Doc?" tanong ng Nurse, napalakas pala yung pagkakasabi ko.

"Sorry, wala"

-Paging Sky Buencamino, Dr. Sky Buencamino - please proceed to the Lobby Please"

"Ay puke Sky" gulat kong tugon kaya naman napalingon sila sa akin lalong lalo na si Dr. Palomino. "Sorry" paghingi ko ng paumanhin.

"Saan nga daw ulit ako pupunta?" tanong ko sa nurse.

"Lobby daw Doc"

"Lobby? Ano naman gagawin ko sa Lobby?"

Nagkibit balikat na lang ito.

I checked my phone kung may message si Dio pero wala naman, kaya nagtaka ako kung bakit pinapatawag ako at sa lobby pa. Sinabihan ko kasi sina Doc Cedric at Doc Paul na di muna ako sasabak sa OR. Sobra-sobra na kasi yung hours ko sa surgery lalong lalo na sa Cardio kaya naman naglie-low muna ako. Bumabalik din ako sa Neuro Training at naga-assist sa Ortho minsan.

Hanggang ngayon ay di ko pa natatapos yung paper ko on surgical sutures. Madaming palusot na ang nasabi ko kay Dr. Umali at talagang malapit na siyang mapuno sa akin.

"Isa pang palusot mo tatahiin na talaga kita"

"Doc naman, please give me time"

"Hindi pinag-aantay ang Jansenn, Sky - tandaan mo yan"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon