Death...
Takot ka bang mamatay?
Oh gusto mo bang mamatay?
Handa ka ba?
Sabi nga nila walang kasiguraduhan ang buhay ng tao, di natin alam kung kelan yung judgement day natin.
Bakit ba tayo takot mamatay?
Hindi ba dapat maging masaya tayo dahil sa wakas wala na tayong sakit na mararamdaman?
What will happen after death?
May heaven ba?
May afterlife?
Totoo kaya na pag single o virgin kang namatay, meron kang bed of TT sa heaven?
Ridiculous right?
Pag nawalan na tayo ng hininga, may panahon parin na buhay ang utak natin. Umiilaw-ilaw parin ang isang parte nito, active parin ang cerebral cortex ng mga 2-20 seconds kaya maririnig pa siguro natin ang mga bulong nila.
Gusto ko pag namatay ako ayoko yung nahihirapan pa ako. Ayoko ng ilang beses pa akong irerevive, ilalagay sa life support. I want an easy death.
Masusunod parin ang siyam na araw na lamay. Dapat lahat mag-susuot ng puti, dapat may aesthetic value ang back-drop ng kabaong. Puti ang mga bulaklak, stargazer na wreath ang nasa taas ng salamin. Utang na loob ayoko ng bilog na bulaklak na gawa sa plastic, dapat fresh flowers lahat at kung may malanta man ay i-dispatch agad.
Gusto ko yung mga makabagbag damdamin na music ang patutugtugin sa huling gabi ng lamay, mas ok pag OPM. Kung kaya niyong i-invite si Kayla o si Juris para kumanta sige go. Gusto ko pumunta sa lamay ko yung mga IG crush ko- kung pwede lang, at kung pwede ay naka-topless lang sila. Mga 2 AM nalang sila bumisita para walang tao.
Ayoko sa sugal, ayoko sa bingo - raffle pwede pa o di kaya Russian Rouellete. Gusto ko may Eulogy, gusto ko may magbasa ng sulat. Pigilan niyo yung mga bashers, isusunod ko talaga sila. (Hi sa mga bashers ko pala, yung mga di nagtitiwala sa akin at sa mga nagsasabing boring akong magsulat. Wala na akong magagawa eh, ganun talaga. Sorry na, oo kasalanan ko na lahat. Saya ka? Ganda ka? Sikip ka teh? Lol jk. PS: Inaabangan ko pala yung isusulat mo, bilisan mo pwede? Naiinip na ako)
At sa burol naman, dapat naka-puti rin ang mga dadalo. Gusto ko maibaon sa lupa kasama ng 777 na White Paper Cranes at mga letters mula sa mga taong nagtitiwala sa akin all over the globe. Hawak ko dapat sa kamay ko ang elder wand. Lahat ng bulaklak na ihahagis ay stargazer na puti, ayoko sa roses. Walang balloons, puting butterflies nalang mga 70 ganun. Sa epitaph dapat ganito ang nakasulat.
"Here lies a Beautiful Soul: Sky is the limit"
Ganun para may impact.
Gusto ko maging puno. Hindi Dong, hindi Rico - puno as in Tree.
Kung mabubuhay lang ang Cherry Blossoms sa sementeryo yun ang iwi-wish ko. Pero Golden shower nalang, dapat tamnan yung puntod ko ng puno. At kada birthday ko dapat magpalipad ng pitong flying lantern.
Pag undas naman wag kayong mag-alay ng kakanin, dapat 13 na klase ng bilog na prutas para kunyare new year pampaswerte ba. Ayoko pala sa chiko at chesa, pati sa longgan. Pag mansanas dapat green apple at red na red na washington apple para kunyari Edward-Bella ang peg. Mag-alay kayo ng soft serve sundae, pizza, siomai ng Master Siomai pinaghalong japanese at pork shrimp, yung chili nasa side. Samahan niyo narin ng Dark Mocha at Iced Caramel Macchiato mula Starbucks. Lagyan niyo narin ng planner para kunyari may susulatan ako sa afterlife. Samahan niyo narin ng purple pen para bongga na. Para pag nakita ni San Pedro yung ballpen ko ay mainggit siya. Gusto ko rin ng adobo, yung medyo sweet & spicy na medyo maalat ng konti - balance yung flavors. Sunugin mo rin ng konti para smoky - sumasabog sa dila. Mag-alay rin kayo ng longganisa mula Ilocos pati narin ng Empanada Special, Miki na may itlog (dapat dalawa, ang itlog palagi dapat dalawa - mesh mesherep keshe) at Carrot cake mula La Preciosa para may dessert. Wag niyong kakalimutan din yung Tequila Sunrise o di kaya'y Margarita. Baka kasi mag-aya ng shot si St. Peter wala nanaman akong mai-ambag.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...