"Ang nais ko lang ay ang aking KALAYAAN"
Gusto ko nang LUMAYA
-------
1st Lt. Aguila
Paano kung hindi ka na tinitigasan?
Paano kung nawala na lahat ng libog mo sa buhay? Paano kung wala ka nang maramdaman?
Hindi ka na marunong magmahal, hindi ka na rin nalilibugan...
Ako si Aguila...
Pero ako lang ang Aguila na di malayang lumipad. Putol ang pakpak at putol ang pandagit.
Wala akong kalayaan, wala akong sariling buhay.
Im not the predator, I am the prey...
---
Pinanganak ako sa Geneva Switzerland - Elias Leon Aguila Gessler ang totoo kong pangalan. Ang aking ama ay Half French at Half Swiss at ang aking ina naman ay Filipino - Risa Leona Aguila Gessler. Ang Lola ko ang Quiambao sa pamilya, kapatid siya ng Lolo ni Ace. Mga doctor sila at nagtatrabaho nun sa WHO. Ang aking ama ay isang Medical Doctor at Biomedical Engineer at ang aking ina naman ay isang epidemiologist noon. My Dad died when I was two, he went on a mission in Afghanistan at hindi na siya nakabalik pa ng Geneva. Bumalik kami ni Mama dito sa Pilipinas nung ako'y limang taong gulang. Naubos ang trust fund namin dahil sa pagpapagamot niya, then she died of cancer a year later. At dun na nagsimulang mabago ang buhay ko, sa murang edad na yun ay naranasan ko'ng maging prinsepe at babagsak bilang alipin. Ang iniwan na pera at ari-arian sa akin ay binenta at linustay lahat ng mga malayong kamag-anak namin. Pinabayaan nila ako, ni katiting na pagkalinga at pagmamahal ay wala akong naramdaman.
Akala ko noon ay magbabago ang buhay ko ng kupkupin ako ni Gen. Serafico Quiambao - ang tatay ni Ace. Akala ko nun ay may magmamalasakit at magmamahal na sa akin. Pero nagkamali ako, di ko lubos akalain na papasok pala ako sa impyerno.
Si Gen. Serafico Quiambao ang naging legal guardian ko, pinalitan niya rin ang pangalan ko pero tumanggi ako na maging isang Quiambao. Alam ko kasi na di papayag ang bunsong anak nito. Tatlo ang anak ni Gen. Quiambao at si Ace lang ang nag-iisang lalake. Ni minsan ay di nila ako tinuring na kamag-anak. Ang aking naging tirahan ay ang kwarto na malapit sa garahe. Tanging ang mga kasambahay lang nila at mga obreros dun ang nagmalasakit sa akin at tinuring nila akong anak.
Pinag-aral ako ni Gen. Quiambao, binihisan at pinakain. When I was 13 I trained in combat training, nagsimula narin akong magpalaki ng katawan simula nang ma-reach ko ang puberty stage. Ang kanyang tauhan na si Buhawi ang naging trainer ko noon. Mabait siya nung una sa akin, marami akong natututunan pero kinalaunan ay wala rin siyang pinag-iba sa kanila. Sa murang edad ko na iyon ay namulat na ako sa makamundong gawain. Pinagsamantalahan ako ni Buhawi noon, lalo na pag nalalasing siya o lango sa droga. Wala akong magawa, kahit nandidiri ako, kahit masakit, kahit labag sa aking kalooban ay wala akong magawa. Habang nagpapakasasa siya sa mura kong katawan ay may nakatutok na baril sa aking sentido o di naman kaya ay kutsilyo sa aking tagiliran. Naulit ng naulit iyon hanggang sa namanhid na ako, hanggang sa nagpapaubaya na lang ako pag gusto niya akong galawin. Nagalit ako noon sa mundo, nagalit ako sa lahat. Nagalit ako sa Diyos, at dun na ako simulang di magtiwala.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...