"Paging Dr. Castañeda, Dr. Castañeda to Coronary Care Wing please"
Nakatayo ako sa gitna ng lobby ng ospital. Ang lawak ng espasyo, ang taas ng kisame at ang ganda ng tama ng liwanag na pumapasok mula sa labas. Iniikot ko ang aking paningin. Inaamoy ko ang hangin sa paligid ko, malayong malayo sa samyo ng pine tree kung saan ako galing. Abala ang lahat, aligaga at parang naging tunog na sa aking tenga ang tunog ng intercom at ng wang-wang ng ambulansya.
"Balang araw, maririnig ko rin ang pangalan ko sa page system na yan"
Nakatayo ako dun, nakasabit ang messenger bag sa kaliwa kong balikat. Hawak hawak ko rin ang pangarap ko na unti-unti nang natutupad. Katatapos ko lang mag-undergo sa written exam at interview para sa internship ko. Di ko alam kung naipasa ko ba dahil sa totoo lang, ang hirap ng mga tanong at masyadong personal ang interview. Marami ding tanong ang resident physician na may hawak sa mga interns ng ospital tungkol sa mga ibat-ibang standard operating procedure sa isang ospital. At sa tingin ko ay nasagot ko naman ng tama ngunit di lang ako sigurado kung satisfied ba ang resident.
Patuloy parin akong nakatanga dun, hanggang sa may makabangga sa akin dahilan upang maout-balance ako, mahulog ang aking bag at tumilapon ang mga laman nito.
"Awwww, naman eh. Magdahan-dahan ka naman" angal ko.
"I'm sorry" tugon niya, malalim ang kanyang boses at para bang tunog ito mula sa isang dj. Nag-angat ako ng tingin, muntik ko nang mabigkas ang mura ko. Pucha! Ang gwapo.
Nakasuot ito ng puting polo, gulo-gulo ang buhok at naka-tattered jeans ito at may puting sapatos. Maputi ang lalakeng nasa harap ko, chinito at matangkad. Tantiya ko nasa 5'9 ito at medyo lean ang katawan. Ang tagal kong pinagmasdan ang kanyang itsura.
"You ok?" inabot niya ang kanyang kamay, kinuha ko naman ito para makatayo. Ang lambot ng kanyang mga kamay, medyo matagal yung pagkakahawak ko kaya naman bumitaw nalang ito.
"I'm sorry again, nagmamadali kasi ako"
"It's ok, sorry din nakaharang kasi ako sa daan"
Ngumiti nalang ito. Sa ngiting yun halos hanggang Baguio na ang kabog ng aking dibdib at pwede nang magka landslide sa Kenon sa lakas nito.
"I have to go"
Tumango lang ako, and he left me there petrified. Literally.
Di ko namalayan na naka-nganga pa pala ako at nakakalat pa ang aking mga gamit.
"Hoy lalake, gising gising din. Narito ka para sa pangarap mo hindi para maghanap ng lalake" tugon ko sa sarili ko.
Pinulot ko nalang ang aking mga gamit at umupo nalang ako sa isang upuan sa labas ng Admin Office.
Ilang minuto din bago matawag ang pangalan ko.
Sumunod nga ako dun sa babaeng tumawag sa akin at pumasok kami sa isang conference room. Pagpasok ko dun ay may halos trenta ata din na applikante.
"Wag kang kabahan, Batch 03 pa lang to"
Lumunok nalang ako. "Sorry, if you don't mind me asking Doc"
"I'm not a Doctor"
"Ah Ma'am, mga ilang Batch po ng applicants ang tinatanggap niyo every year for residency program?"
"7 Batches consisting of 32 each, but we only choose 20. Best 20"
Nanlaki ang aking mata. Parang mas pinagpawisan pa ako.
"You may take your seat"
Naglakad na nga lang ako dun sa tinuro niyang direksyon. May tig isa kaming lamesa at nasa harap ko ay isang scalpel, forceps, different kinds of scissors at pang suture.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...