Seth Kyrie:
Ganun pala ang pakiramdam pag tumigil ang puso mo.
Mamamanhid ka nalang, wala kang naririnig at nakikita - titigil ang iyong mundo at para ka naring namatay.
May naririnig akong boses pero ang hina, ang dilim at di ko alam kung saan pupunta.
"Charging to 300"
"Clear"
Parang umangat ang dibdib ko at kung anong kuryente ang dumaloy sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
Iminulat ko ang aking mata at hinabol ang aking paghinga.
"I got you"
Totoo ba itong nakikita ko o guni-guni ko lang?
"I got you, you scared me to death"
Yakap-yakap ako ni Dr. Mondragon, totoo ba ito?
"I can't..."
"Ano yun? Tell me, saan ang masakit?"
"I can't breathe" mahina kong tugon.
"Let's move guys, let's put them in the same stretcher"
Binuhat niya nga ako at itinabi ako sa ginang na inoperahan ko. Parang pagod na pagod ako at nanghihina kaya naman bumigay ulit ang katawan ko at nawalan ako ng malay.
Pag-gising ko ay nasa recovery room na ako. Parang nasa VIP ward ako ng ospital dahil parang hotel ang istilo ng interior nito.
"Gising ka na pala"
"Argus"
Lumapit ito sa akin at kinutusan niya ako.
"Aray naman"
"Ang tigas ng ulo mo, bawal na nga sayo kinain mo pa"
"Eh alangan namang hayaan ko yun sa locker ko at antayin ma-expire, sayang naman no. Masarap ang bawal"
"Ah ganun? Mas ok na mamatay ka kesa sa ma-expire yung tsokolate? Ayos ah. Mas masarap kaya ako, ako nalang sana kinain mo"
"Psssssssh, lumayas ka na nga"
Maya-maya pa ay mas lumapit pa siya sa akin at yumakap ito. "Pinag-alala mo ko doc tang-ina ka. Ano na lang sasabihin sa akin ni Tita Minda kung may masamang nangyari sayo, nag-promise pa naman ako sa kanya na aalagaan kita"
"Drama, and please wag mong sabihin kay Mama ito sasapakin kita"
"I miss you doc"
"Sus!"
"Seryoso nga, miss ko narin ang Baguio"
"Ako din"
"Ahemmm, Ahemm" rinig namin mula sa di kalayuan.
Bumitaw si Argus sa pagkakayakap sa akin at nilingon namin kung sino yun.
"Dr. Mondragon" bati ni Argus dito.
"Nakaka-istorbo ata ako, balik nalang siguro ako mamaya"
"Buti pa nga" mahina kong pahayag kaya pinandilatan ako ni Argus.
"Ah hindi po Doc, paalis narin po ako. Kinumusta ko lang po si Sky"
"Good"
Umalis na nga si Argus sa kwartong yun.
"Masarap ba?" tanong ni Dr. Mondragon sa akin.
I just rolled my eyes at him, wala ako sa mood na makipag-biruan sa kanya, wala ako sa mood na makita ang pagmumukha ng dragon na ito.

BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
Roman d'amourIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...