Chapter 27 - Fire vs. The Sky

1.9K 98 24
                                    

Naglalakad na ako noon pabalik sa Coronary Care Wing, patapos na ako sa Pedia at babalik na ulit ako sa Cardiothoracic. Di ko alam kung matutuwa ako o maiilang dahil nga magkakasama kami ni Dio araw-araw. Si Dio na chief ng Cardiothoracic, si Dio na boss ko - at boyfriend ko.

Sa tuwing pumapasok ito sa utak ko, na boyfriend ko na ang isang Dio Mondragon. Tinatamaan talaga ako ng lintik - kinikilig ako. Kung babae siguro ako eh wasak na ang pantyliner ko sa sobrang pamamasa.

Papalapit na ako nun sa Nurse station, nakita ko doon si Dio. Nakatayo itong nag-aabang sa akin, abot tenga ang kanyang ngiti. Sina Doc Menchie at Doc Aro ay nandun rin, si Argus naman ay abala sa pagcha-charts.

"Uy, nandiyan ka na pala" tugon ni Argus. "It's all yours" sabay abot niya sa akin ng mga charts. Abot tenga rin ang kanyang ngiti dahil mapupunta narin siya sa Neuro today. "Nga pala tumawag si Mama kagabi, baka daw lumuwas siya sa makalawa"

"Mama?" pagtataka ni Dio, tumingin siya sa akin ng diretso.

"Doc, Mama po ang tawag ko sa Nanay ni Sky" paliwanag naman ni Argus. "Parang inampon narin po nila ako, parang nanay ko na po si Mama Miranda"

Kunot ang noo ni Dio. "Ah ganun ba, oh siya Santillan. Off you go. Baka sabihin ng magaling kong pinsan na inaangkin ko nanaman lahat ang mga interns.

Naglakad na nga papalayo si Argus.

"Mama pala ha, hmmmn"

"Will you not, ano yang nasa likod mo?"

"Wala!"

"Galit ka?"

"Hindi!"

Nginitian ko nalang siya, nagseselos nanaman ang loko.

"Oh andito na ako, wala man lang bang pa-welcome?"

Nakita ko ulit ang ngiti niya, kinuha niya mula sa kanyang likod ang bouquet ng bulaklak.

"Dio I'm allergic to pollen & chocolates"

"These are tulips"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"You like tulips, right?"

Umiling lang ako. Nakita ko naman ang busangot niyang mukha. Kaya naman kinuha ko nalang ang tulips niya.

"Next time aso nalang ibigay mo o stuff toy"

"Gusto mo ng aso? O gusto mo i-doggie kita"

Hinampas ko sa kanyang dibdib ang hawak-hawak kong bouquet kaya naman nalaglag yung ibang bulaklak. Pinandilatan ako ni Dio habang tawang-tawa naman sina Doc Aro at Doc Menchie.

"Ang cute niyo, kainis" tugon ni Doc Menchie. Sasagot sana si Dio noon pero biglang nagbuzz ang intercom, umiilaw din ang asul na ilaw sa may nurse station.

"Code Blue, Code Blue - Pediatric ICU Code Blue, Code Blue, Code Blue. All Doctors & Staff of PD ICU-3, please proceed to 307 now"

Paulit-ulit na umaalingawngaw ang ingay na yun sa buong floor. Parang kinakabahan rin ako nun. Hanggang sa makita ko na tumatakbo si Lex papunta sa gawi ko.

"Doc, hiramin ko muna siya" hinawakan ni Lex ang aking kamay saka ako hinatak.

"Where are you going?" sigaw ni Dio kaso wala ako masagot sa kanya.

"Lex saan ba tayo pupunta?"

"Balik tayo sa Pedia, Reeva is coding"

"Damn it" bumitaw nga ako sa pagkakahawak ni Lex sa akin. "Hold that elevator door!" sigaw ko, binilisan namin ang takbo at dali-dali kaming sumakay dito.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon